Napalingon.
Nagbakasakali.
Pinagmasdan ang lahat ng dumaraan
na katunog ng iyong sasakyan.
Magpa-Pasko nang huli ko itong maulinigan.
Ang lutong ng tunog kung saan ka lulan.
Nang araw rin na ‘yun,
masaya mo kaming inihatid
kina lola na nakasanayan.
Wala akong matandaan na pagtutol
bukod sa iyong paalam.
Na maging masaya kami sa araw ng Pasko.
Akala ko’y muli ko pang maririnig.
‘Yun na pala ang huli.
Sa kahon na kita muling nasilayan.
Hindi panaginip ang mga nangyari,
dekada na rin ang napilas na panahon.
Napapalingon.
Pagmamasdan.
Muli sa kanilang sasakyan.
Hatid nito ang trahedya,
Ang nangyari sa iyo, Papa?
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!