top of page

Two-timer na GF, parehong iiwan ng 2 BF, ibang lalaki ang makakatuluyan

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 24, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

1. May boyfriend na ako, kaya lang, nagkakagusto pa ako sa ibang lalaki. Hindi alam ng boyfriend ko na may lihim kaming relasyon ng lalaking dati ko pang kakilala at tawagin na lang natin siyang Melvin. Alam ni Melvin na may boyfriend ako at okey lang daw sa kanya.

2. Sino sa dalawang lalaking ito ang pangmatagalang makarerelasyon at mapapangasawa ko? Nais ko ring malaman kung sino sa kanilang dalawa ang magbibigay sa akin ng suwerte at magandang kapalaran sa panahong ako ay nag-asawa na at magkaroon ng sariling pamilya? September 19, 1996 ang birthday ni Melvin, ang boyfriend ko naman ay November 9, 1994 at October 10, 1994 ang birthday ko. Kasagutan

1. Ang malungkot na balita ay ayon sa guhit ng iyong palad, wala sa dalawang lalaking nabanggit ang nakatakda mong makatutuluyan. Ito ang nais sabihin ng nabiyak, dumoble at halos naimbalidong unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Tanda na pansamantala kang namumroblema ngayon, pero kung tutuusin, hindi totoong problema dahil unconsciously o wala sa loob mo, masayang-masaya ka pa sa panahong ito na dalawa ang boyfriend mo, dahil feeling mo ay magandang-maganda ka at ‘ika nga, ang haba ng hair mo!

3. Ito rin ang tunay na dahilan kung bakit maraming mister na bukod sa may asawa at pamilya na ay nambababae pa dahil habang sila ay nagkakaedad, ang yabang ng kanilang ego dahil sa kabila nito, may mga babae pa ring nahuhumaling sa kanila.

4. Sa ganu’ng sitwasyon ng buhay, lalo silang nagiging feeling lalaking-lalaki sa panahong niloloko nila ang kanilang mga misis o asawa. Gayundin ang nararanasan ng misis na nanlalaki. Sa kabila ng kanyang edad, dahil nakapanlalaki pa siya, feeling niya tuloy ay sexy at magandang-maganda pa rin siya, pero hindi niya namamalayan na pineperahan lang siya nu’ng lalaking pumatol sa kanya.

5. Ngayon, bumalik tayo sa sitwasyon mo, Thea, kung saan ang ikalawang mas malinaw, mahaba at matatag na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, kusa ring mawawala sa iyong piling ang dalawang lalaking karelasyon mo.

At pagsulpot ng ikatlo at mas matinong lalaki sa iyong karanasan, mauuwi ang relasyon n'yo sa hindi pinaghandaang pag-aasawa sapagkat sa panahong mararamdaman mong may edad ka na, iisipin mong dapat ka nang mag-karoon ng pamilya hanggang sa tuluyang makapag-asawa. Mga Dapat Gawin

1. Sabi ng mga pusakal na makasalanan, “Kung ano ang bawal, ‘yun ang masarap,” pero sa totoo lang, ‘yung bawal na masarap ay sa umpisa lang dahil sa bandang huli, ito rin ang magdudulot ng mabigat at malaking problema sa atin.

2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Thea, mananatili ang pagkakaroon mo ng dalawang boyfriends sa iisang tiyak na panahon dahil sa 2020 sa buwan ng Pebrero, tuluyan nang matutuldukan ang iyong kahangalan. Parehong mawawala ang dalawa mong boyfriends at sa ikatlong pakikipagrelasyon sa lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius, magtitino ka na at siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page