Tips para maiwasan ang stress ngayong Pasko
- Jersy Sanchez
- Dec 24, 2019
- 2 min read

Para sa karamihan, stressful ang Pasko dahil sa lumalalang trapik, pagdagsa ng mamimili sa mga malls at sandamakmak na gastos. Agree? Pero don’t worry dahil we got you, lodi! Kalma lang kayo r’yan dahil narito na ang ilang tips para maging stress-free ang inyong Pasko:
1. MAG-SET NG GOALS. Sa halip na sabihin mong nakaka-stress ang panahong ito, mag-set ka ng goal para magkaroon ng mapayapang Pasko. Pagkatapos nito, planuhin kung paano ito gagawin at ‘wag nang baguhin ng plano, anuman ang mangyari sa paligid mo. Makatutulong ito para manatili kang nakapokus sa katahimikan at kasiyahan ngayong Pasko.
2. HOLIDAY LIMITS. Para sa karamihan, nakaka-overwhelm ang panahong ito mula sa gastos sa pagbili ng mga panregalo, panghanda at bugso ng tao sa mga pamilihan kaya ang ending, nagkakagulo na ang iyong plano. Para hindi masyadong ma-overwhelm, magtakda ng limitasyon sa bilang ng bibilhing regalo para mai-budget ang pera, limitahan ang party na pupuntahan at limitahan ang pagkaing ihahanda sa Noche Buena para less-gastos at pagod.
3. GUMAWA NG GRATITUDE LIST. Minsan, ang Pasko ay nagpapaalala sa atin ng mga bagay na wala tayo. Gayunman, ang pag-iisip ng mga bagay na wala tayo ay nakasisira ng ating kapayapaan kaya para maiwasan ito, puwede tayong gumawa ng ‘gratitude list’.
Halimbawa, maglista ng mga bagay na gusto mong gawin ngayong Pasko, malaki o maliit na magagandang bagay na nangyari sa’yo at mga karanasan sa taong ito na hindi mo makalilimutan dahil nakapagbigay ito ng life lessons na mapakikinabangan mo.
4. X’MAS ACTIVITIES. ‘Pag alam mo na kung anu-ano ang mga bagay na gusto mong gawin ngayong Kapaskuhan, i-schedule mo na! ‘Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa dahil wala nang magandang regalo ngayong Pasko kundi magawa ang mga bagay na talagang gusto mo.
5. SIMPLENG PASKO. For sure, may mga dahilan kung bakit gusto n’yong mag-all-out ngayong Pasko, pero hindi naman ito required dahil mas maganda pa rin kung simple ang selebrasyon n'yo kasama ang inyong mga mahal sa buhay.
Simple lang, ‘di ba? Kaya mga besh, ‘wag kayong magpaka-stress ngayong Holiday Season at i-enjoy lang ang bawat araw para happy-happy lang. Make sure na ibabahagi n'yo ang mga tips na ito, ha?
Okie?





Comments