Ogie, inagaw sa unang misis… Regine, sising-sisi na nasaktan si Michelle at mga anak
- Vinia Vivar
- Dec 24, 2019
- 2 min read

Photo: Regine Velasquez
Nagkaiyakan si Regine Velasquez and step-daughter na si Leila Alcasid sa latest YouTube vlog na inilabas ng Asia’s Songbird.
Habang nagme-make-up ang dalawa ay ang topic tungkol sa kanilang family set-up ang pinag-usapan nila at dito na nga naungkat ang simula ng relasyon nina Ogie at Regine.
Leila opened up na hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap sa relasyon ni Regine at ng daddy niya at first to the point na ayaw niyang tumira noon sa Pilipinas.
Nag-open-up din naman si Regine at ipinagtapat na hindi rin daw talaga naging madali para sa kanila ni Ogie ang relasyon noong una at hindi niya ginustong saktan ang mga anak ng singer sa unang asawa.
“It was very, very difficult, I always say this whenever we have an interview, that we had a very difficult beginning because it was, it was very, very difficult for both of us,” sey ni Regine.
Alam din daw niya kung gaano ito kahirap sa mga anak ni Ogie pero aniya ay sobrang mahal na mahal niya ang mister. At kung bibigyan daw siya ng pagkakataon ng Diyos na piliin ang mga gusto niyang tanggalin sa kanyang buhay, ito raw ay ang part na nasaktan niya si Michelle Van Eimeren (first wife ni Ogie) at ang mga anak nito.
Buong-puso raw niyang uulitin ang mga difficult times sa relasyon nila ni Ogie dahil mahal na mahal niya ito.
At dahil ayaw niya raw masaktan ang pamilya ni Ogie, maraming beses nila itong pinag-awayan noon at nag-break na rin daw sila before dahil nga hindi niya matanggap ang sitwasyon nila.
“Siya naman (Ogie), he didn’t also allow me to leave, kasi parang hindi rin niya kaya na hindi na ako, na hindi na magiging ako,” kuwento ni Regine.
Hanggang finally ay magdesisyon na nga sina Ogie and Michelle na maghiwalay na.
Sa kuwento pa rin ni Regine, after the separation ay nag-usap sila ni Michelle at may isang bagay lang itong hiniling.
“She made me promise something. She said to me that ‘Promise me that my children will always have their father.’ And I promised her, ‘Yes,’” saad ni Regine.
Ngayon ay maayos na maayos na ang relasyon nila, magkasundung-magkasundo sina Regine at Michelle and puring-puri talaga ni Songbird ang kagandahan ng ugali ng unang asawa ni Ogie.
“Mabait din naman ako, pero hindi magiging ganito ang relationship namin
kung hindi niya ginawa ‘yung part niya. Kung hindi rin siya naging forgiving, naging accepting,” sey ni Songbird.
Sa nasabing pag-uusap ay humingi rin ng tawad si Regine kay Leila for hurting them.




Comments