Imbes kasi makaligtas, baka lalo kang mapahamak… Mga hindi dapat gawin kapag naaksidente
- Ms. Twincle
- Dec 24, 2019
- 2 min read
No Problem

Hindi natin maiiwasang makaranas ng mga hindi inaasahang pangyayari kaya minsan, ginagawa natin ang unang solusyon na pumapasok sa ating isip. Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay epektib ito kaya sa halip na makatulong ay nakasasama pa.
Sa mga pagkakataong ito, dapat nating pag-isipang mabuti kung makatutulong ang gagawin natin o hindi. Mga besh, narito ang mga dapat at hindi dapat gawin sa mga hindi inaasahang pagkakataon:
1. LUNAS PARA SA PASA. Gumamit ng face towel o tela at yelo para punasan ang apektadong parte ng katawan. Huwag direktang ilagay ang yelo sa balat upang maiwasan ang pagkakaroon ng ice burn. Ibabad ito sa loob ng 20 hanggang 90 minuto, siguraduhing hindi lalampas sa nasabing oras ang paglalagay dahil maaari ring magkaroon ng ice burn kapag sumobra ito.
2. PAGPUNAS NG ALKOHOL AT SUKA SA MAY LAGNAT. Kapag may lagnat, iwasang magpunas gamit ang bimpo na ibinabad sa pinaghalong alcohol at suka dahil naa-absorb ito ng dugo na maaaring magpalala sa lagnat. Ayon kay Darienne Hosley Stewart, madaling ma-absorb ng baga sa pamamagitan ng paglanghap ang mga kemikal ng alcohol at maaari itong makalason, ma-coma ang pasyente at magkaroon ng kumplikasyon. Para maiwasan ito, painumin ng tubig, tea at iba pang inumin na walang halong alcohol ang may sakit at panatilihing presko ang paligid.
3. NAHIMATAY SA DAAN. Siguradong matataranta kayo kapag nangyari ito sa isa sa mga kasama ninyo. Huwag buhusan ng tubig ang nahimatay para magising. Gayunman, itaas ang kanyang mga binti at huwag agad patayuin kapag nagising. Huwag ding painumin ng kape o energy drink dahil maaari siyang ma-dehydrate.
4. NASAKSAK. Huwag hayaang masagi o madikit sa kahit ano ang bagay na nakasaksak sa tao. Gayundin, huwag itong tatanggalin dahil dito magsisimula ang pagdurugo at maaaring maubusan ng dugo kung saan puwede itong ikamatay. Dalhin agad sa pinakamalapit na ospital para maagapan.
5. NALASON. Kapag nalason, dapat mailabas agad sa katawan ang lason sa pamamagitan ng pagsuka at kapag hindi ito nagawa, baga ang unang maaapektuhan. Kung may kasamang kemikal, maaari ring magkaimpeksiyon ang lalamunan.
Dahil dito, inirerekomenda na sumuka agad para mapigilan ito at dumiretso sa pagamutan para hingin ang payo ng mga eksperto.
Mga ka-BULGAR, ilan lamang ito sa mga dapat nating tandaan sa mga hindi inaasahang sitwasyon na nabanggit. Bagama’t, hindi maiiwasan, huwag kalimutang mag-ingat para malayo tayo sa kapahamakan.
Okie?





Comments