Bolts, finalist na!
- ATD
- Dec 24, 2019
- 2 min read

Umabante sa finals ang Meralco Bolts matapos patalsikin ang TNT KaTropa, 89-78 sa do-or-die Game 5 ng PBA Governors’ Cup semifinals kagabi sa Ynares Center, Antipolo.
Kumayod si import Allen Durham ng 28 points, 10 rebounds at walong assists upang isampa sa finals ang Bolts at harapin ang nag-aabang na Barangay Ginebra Gin Kings.
Sa Enero 2020 sisimulan ang bakbakan sa finals. Ipinaramdam ng KaTropa ang kanilang lakas sa unang dalawang period kaya nasa unahan sila kapit ang limang puntos na bentahe, 42-37 sa halftime.
Hindi naman basta nagpadaig ang Bolts, kumislap sila ng 29-19 sa third para maagaw ang bandera, 66-61 papasok ng fourth quarter.
Lalong nagliyab ang opensa ng Meralco sa payoff period kaya tuluyan nilang kinahon ang matamis na panalo at sumampa sa championship round laban sa crowd favorite Gin Kings.
Samantala, sumampa sa finals ang crowd favorite Ginebra matapos nilang tapusin sa Game 4 ang NorthPort Batang Pier, 120-107 noong Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum.
Dinomina ng Gin Kings ang buong laro kaya naman simula pa lang ng banatan ay nakalalamang agad ng malaki ang tropa ni head Coach Tim Cone.
Nagtala si import Justine Brownlee ng 36 pounts, 19 rebounds at walong assists upang itarak ang 3-1 series at isampa sa championship round ang Barangay Ginebra.
“Super motivated. I wish we would’ve had that three-peat last year but unfortunately, we came up short,” saad ni Brownlee.
Nanagasa ang Gin Kings sa unang dalawang periods kaya kinapitan nila ang 17-point lead, 56-39, sa halftime.
Sinabayan na lang ng Ginebra ang Batang Pier sa second half upang makuha ang inaasam na panalo.“I knew that Justin was really motivated, you can see it in his game,” hayag ni Cone.





Comments