Superstar, todo-pakiusap sa Siyete… Nora, hirap na hirap na dahil sa sakit
- Erlinda Rapadas
- Dec 23, 2019
- 1 min read

May cut-off time na ini-request ang Superstar na si Nora Aunor sa pamunuan ng GMA Network sa kanyang muling pagtanggap ng teleserye, ang Bilangin ang Bituin kasama si Mylene Dizon at ang young actress na si Kyline Alcantara.
May asthma si Ate Guy at madalas na itong nagkakasakit. Kailangan na 10 PM ay pack-up na siya, pero kung okey pa naman ang kondisyon ni Ate Guy ay puwedeng i-extend until 12 midnight.
Kinakaya naman niyang tapusin ang mga commitments niyang tinatanggap. At alaga naman siya ng GMA Network ‘pag may teyping.





Comments