Senador, balik-GMA-7, 'di raw ma-take ng young actress… Lotlot, suportado si Janine sa pamba-bas

Case closed na para sa veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis ang pambabatikos na ginawa ni Janine Gutierrez kay Sen. Bong Revilla, Jr.. Ito ay matapos mag-react ang ina ng young actress na si Lotlot de Leon sa IG account nito.
Walang binabanggit na anumang issue si Lotlot sa kanyang post pero binigyan niya ng words of encouragement ang anak to continue doing what she wants to do. Bilang ina, buung-buo niyang ibinibigay ang suporta sa anak.
“When she came to me after college and said, ‘Mama, gusto kong mag-try mag-artista,’ I asked her, ‘Are you sure?’
“I asked her that question not because wala akong bilib sa kanya o sa kakayahan niya, but because I was afraid that this industry that I have grown up into can be very harsh sometimes. And’yan ‘yung ‘pag nagsalita ka, kesehodang maganda ang intention mo, nagiging mali pa rin para sa iba. ‘Pag nasa industriya ka, kailangang maging handa ka sa lahat ng pagbabatikos at sari-saring opinyon.
“When you’re in this industry, puwede ka kaagad mahusgahan nang hindi ka natatanong kung bakit may nasabi ka o nagawa ka. Everyone else can give their opinions and share how they feel pero dahil artista ka, may hangganan ang pagbibigay mo nu’n. Medyo unfair. Hehehe!
“And because of all these reasons, half of me wanted to say no because as a mom, ayoko siyang masaktan. I want to protect my daughter from all of that. ‘Di baleng ako na lang ang sabihan ng masasakit, tawagin ng kung anu-ano, huwag lang siya.
“On the other hand, I can’t stop her from what she wants for herself, for living her dreams, for proving herself and giving her a chance to go after that.
“What I saw in Janine’s eyes and felt when we had that conversation that day is that, she was willing to learn and ‘accept everything’ that comes with being an artist and be the best version she can be in this profession that she has chosen. That’s why I said yes.
“Buong-puso kong maipagmamalaki that I have raised a daughter that is very respectful, level-headed, smart, humble and willing to take risks when needed.
“Bilang magulang, ‘andito lang ako, nakatanaw and praying with all my heart that she will achieve everything that she has only prayed for.
“In the many years that I have also been in this industry at sa lahat ng nakita at napagdaanan ko, I have also learned to choose my battles, hindi lahat pinapatulan, sinasagot at pinapalaki. At the same time, I have also learned that it’s okay to say what you feel, to give your opinion and to be heard.
“Hindi kabawasan ng pagkatao ‘yun lalo na kung nasa tama naman. These are all the things that I have learned. Babe, I love you. Just continue with all the hard work and keep on swimming,” ang mahabang pahayag ni Balot.
Sinagot naman ni ‘Nay Lolit ang post na ito ni Lotlot at sinabing naiintindihan niya ang nararamdaman ng aktres dahil ‘yun mismo ang naramdaman niya nang i-bash ni Janine si Sen. Bong na parang anak na rin ang turing niya.
“I know iyong feeling ni Lotlot de Leon, Salve, sa IG post ko about Janine Gutierrez. Iyon exactly ang naging feeling ko nang mabasa ko ang bashing kay Bong Revilla after ng reaction ni Janine na ‘OMG’ at ‘‘Di ko kaya besh’.
“I don’t intend to belittle, dishonor Janine, dahil like what Sandy de Leon said, mabait, magalang, at lumaking dalaga na ipagmamalaki ng kahit sinong magulang. In fact, isinulat ko nu’n how I admire Lotlot sa pagpapalaki ng mga anak niya.
“Lagi kong sinasabi, iyong mga bashing sa akin at halos pagmumura na ng iba, okey lang, natatawa pa nga ako kung minsan, dahil I find it funny reading comments na masama from people I don’t even know.
“I cannot be judgmental in the sense na ang dami ko ring palpak na ginawa, mga kasalanan, o mga bagay na dapat hindi ko ginawa. If I write or opinionate, dahil writer ako, dahil iyon ang feeling ko, pero I find it out of bound kung kasamahan kong writer ang sisiraan ko. Kaya iyon din ang paniwala ko sa artista, puwede silang magalit sa writer, magsalita, pero ‘pag kapwa nila artista, dapat maingat sila.
“Iyon bang kapwa ko artista ito, kapatid ko ito, dapat tulungan kami, dapat kampi kami. Kung mali ako ru’n, sorry. As I want people to respect my opinion, I will also respect theirs.
“At tulad ni Lotlot de Leon na nasaktan dahil sa anak niya na si Janine Gutierrez, para rin akong isang ina kay Bong Revilla na nasaktan din.
“But now, at least I know na never matatanggap ni Janine Gutierrez si Bong Revilla. I respect that, I admire her for being open with her feelings. Sorry Lotlot. Case closed,” ang mahabang sagot ni ‘Nay Lolit.





Comments