top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Petalcorin, aagawin ang WBC title ni Shiro

Gerard Arce
Dec 23, 2019
2 min read

Susubukan ni Filipino boxing challenger Randy Petalcorin na maagaw ang World Boxing Council (WBC) minimumweight title mula kay Ken Shiro ng Japan, Lunes ng gabi sa Yokohama, Japan.

Ang dating interim titleholder na si Petalcorin ay ang ika-7th title defense ni Shiro na nagnanais na mabasag ang record na 13 depensa sa light-flyweight, ngunit ayon sa WBC ay mayroong 15 title defense si South Korean Chang Jung Koo noong March 1983 hanggang 1988.

Anim na beses ng naipagtanggol ni Shiro ang kanyang titulo sapol ng maagaw niya ito kay Ganigan Lopez ng Mexico noong May 20, 2017.

Maaaring si Petalcorin na ang ikatlong Filipinong magiging biktima nito matapos pataubin sin Milan Melindo at Jonathan Taconing.

Nakatakda sanang makipagtapat ni Shiro kay International Boxing Federation (IBF) titlist Felix Alvarado ng Nicaragua, ngunit, hindi ito naganap dahil sa inindang karamdaman nito noong nakalipas na buwan, kung kaya’t umentra si Petalcorin sa eksena.

Wala namang plano si Petalcorin na maging sunod na biktima na kahit maliit lamang ang inilaan na panahon para paghandaan si Shiro at buong loob nitong tumutok sa ensayo para sa laban

“I took this fight on a short notice and I only have four weeks of training and it’s not an ideal preparation. But I will win this fight and bring the title back to the Philippines,” pahayag nito sa isang website.

Si Alvarado ang nagawang umagaw ng dating interim WBA light-flyweight title ni Petalcorin noong Oktubre 2018, na napanalunan niya sa Macau nung Agosto 2014 laban kay Walter Tello ng Panama.

Nakalinya ring lumaban sa naturang boxing event si WBA middleweight champion Ryota Murata laban kay Steven Butler ng Canada, gayundin si IBF flyweight titlist Murothi Mthalane kay Japanese Akira Yaegashi, habang sasabak ang Pinoy boxer Diomel Diocos kay dating world champion Roman “Chocolatito” Gonzalez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page