top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ngayong Dec. 26... Ring of fire o solar eclipse, sign na marami pang paglindol ang magaganap

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Dec 23, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang isa pang gift from heaven o ang magaganap na “ring of fire” o “annular solar eclipse” ngayong December 26.

Sa petsang nasabi, ang buwan ay makikitang nasa pagitan ng earth at sun kaya ang maaaninuhan ng buwan ay ang araw kung saan maraming lugar ang makakikita ng pabilog na apoy o liwanag sa araw. Ito ay dahil mas maliit ang buwan sa araw kaya hindi kasya ang kanyang anino para matakpan ang sun.

Sa mga mahilig sa superstition, ito ay hindi magandang event at may hatid na masamang balita, pero dahil nalalapit na ang New Year, maagang pailaw ito ng langit dahil sa Bagong Taon, makakikita rin tayo ng ganitong mga pailaw na masasabi ring the ring of fire.

Tulad ng isa sa pinakasikat na trumpilyo kung saan ito ay umiikot habang umiilaw.

Ang ring of fire rin ay tulad ng nakikita natin na ginagawa ng nagbibigay ng saya na kung tawagin ay fire eater kung saan apoy mismo ang ginagamit nila sa pagpapasaya ng mga tao at ang hawak nilang apoy ay pinaiikot kaya nakabubuo ng ring of fire.

Gayundin, ang ring of fire ay ang pabilog na malaking singsing kung saan ang mga asong turuan ay tumatalon sa loob nito.

Dahil nakaaaliw ang pagpapasaya gamit ang ring of fire, maging ang bikes, motor-bikes at kotse ay mabilis na pinaaandar at daraan dito.

Kaya ang ring of fire, sa totoo lang ay isa sa mga nagpapasaya sa mundo.

Pero sa marami na mahilig sa superstition, ang ring of fire ay masamang kaganapan na nagbabalita ng mga pangyayaring mapamuksa.

Gayunman, sila rin ay may batayan dahil ang ring of fire ay ang tinatawag na earthquake belt na nasa mapa ng earth. Ito ay iniuugnay sa paglindol at pagsabog ng mga bulkan.

Samantala, ang Mindanao ay niyayanig ng malalakas na lindol at ang magaganap na ring of fire ay sa Mindanao makikita nang aktuwal.

Ayon sa mga mapamahiin, ito ay babala ng sunud-sunod na malalakas na pagyanig.

Sa ngayon, hindi na makatulog nang maayos ang mga taga-Mindanao, tapos magkakaroon pa ng ring of fire na sila mismo ang makasasaksi.

Kaya sa biglang tingin, hindi maganda para sa kanila ang paniniwalang ito dahil ito ay magiging sanhi ng mas marami pang paglindol na pinalala ng ring of fire na magsisilbing panggising sa mga bulkan na magsisiputok o sasabog.

May basehan man o wala, ang mahalaga ay ang paniniwala ng bawat tao na ang kanyang kinikilalang Diyos ay siya ring kanyang tagapagligtas.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page