top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Huhusgahan na ang Bolts at ang KaTropa sa Game 5

  • ATD / MC
  • Dec 23, 2019
  • 2 min read

Kung tutuusin ikatlong PBA Governor's Cup finals na ito ng Meralco Bolts sa nakaraang apat na season.

Pero pagkakataon na ng TNT KaTropa na ibuhos na ang lahat ng nalalaman at galing sa sandaling magtapatan na sila ngayong Game 5 para sa deciding game ng semifinal series nilang ito sa Ynares Center sa Antipolo City.

Para kay TNT guard Jayson Castro, hiling na lang niyang ibigay ang pinakamahusay na performance at laro ng kanyang team. “Lahat gagawin na namin,” saad ni Castro. “Nailabas na ‘yung mga cards, e. Siguro kung sino na lang talaga gustong manalo,” aniya sa PBA.ph.

Nagawa pa ng Bolts na dalhin sa do-or-die game para sa huling puwesto sa finals ang laro at ilista ang 95-83 panalo kontra sa TNT Katropa noong Sabado ng gabi sa Ynares Center.

Nag-init ang Bolts sa huling bahagi ng 2nd quarter at napanatili ang momentum hanggang sa final period upang biguin ang Texters sa Game 4 na laban. Naasahan ng Meralco si import Allen Durham para sa nagawang 36 points, 13 rebounds at limang assists. Nakatulong si Baser Amer na bumanat ng 12 points, 7 assists at apat na steals, maging si Chris Newsome sa inskor na 10 markers at 9 boards.

Tatapusin na sana ng KaTropa ang serye nang makalamang na ng 13 puntos, 17-4 at tapusin ang unang yugto sa 24-18. Subalit ang tambalan nina Durham at Allein Maliksi ay nanaig para sa Meralco Bolts laban sa TNT at itala ang 51-45 na kalamangan sa sa halftime.

Matapos nito, nagpakawala sina Durham at Amer ng 19 marka sa fourth quarter para hindi na papormahin pa ang KaTropa, na nagrehistro lamang ng 15 puntos sa huling quarter. Kumamada si KJ McDaniels ng 26 points, 9 rebounds at 2 blocks. Ngayong Lunes ang knockout Game 5 sa naturan ding venue.

Heto ang mga iskor: Meralco 95 – Durham 36, Amer 12, Newsome 10, Almazan 8, Maliksi 8, Quinto 7, Faundo 4, Hodge 4, Pinto 4, Caram 2, Jose 0, Jamito 0.

TNT 83 – McDaniels 26, Rosario 15, Castro 14, Parks 11, Pogoy 11, Reyes 3, De Leon 2, Semerad 1, Digregorio 0, Williams 0, Vosotros 0. Quarters: 18-24, 51-45, 73-68, 95-83.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page