top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Work monster, mahilig sa raffle, selfie etc... Iba’t ibang klase ng empleyado sa Christmas Party

Jersy Sanchez
Dec 22, 2019
2 min read

For sure, marami na kayong napuntahang parties tulad ng office party, reunion o party kasama ang inyong mga kaibigan. At kung iba’t iba ang taong nakasasalamuha natin sa okasyong ito, siguradong may iba’t iba ring klase ng partygoer. Tama ba?

Narito ang iba’t ibang klase ng empleyado sa office party:

1. WORK MONSTER. Walang workload ang makapipigil sa kanya para magtrabaho. ‘Yung tipong akala mo, nagso-socmed lang sa phone, ‘yun pala, nagsasagot na ng e-mails o nagbaon pa ng trabaho. Ha-ha-ha! At minsan, kahit excited sila sa party, hindi nila mapigilang mag-alala dahil marami pa siyang kailangang tapusin sa opisina. Kalma lang, besh!

2. MAHILIG SA SELFIE. ‘Yung konting kilos, picture at kada kuha ng pagkain, ipo-post sa socmed. Wala namang problema kung mahilig kayong kumuha ng picture dahil para sa memories ‘yun, pero mga besh, hinay-hinay lang dahil may mga bagay naman na oks lang kahit hindi i-post sa socmed dahil mas mabuting i-enjoy lang ‘yung moment.

3. AFTER PARTY- GOER. Kahit pagod na sa performance sa katatapos lang na office party, hindi siya magpapaawat at magyayaya pang gumimik o uminom sa labas. Agree? Sila rin ‘yung malalakas maglasing, tapos absent kinabukasan dahil tinamaan ng hangover. May kilala ka bang tulad niya o ikaw ‘to? Ooops!

4. REKLAMADOR. “Maalat ‘yung ulam,” “‘Di ko bet ‘yung dessert,” “Pangit naman ng music selection” — ito ‘yung madalas nating naririnig sa kanila. Sa halip na mag-enjoy ka, mahahawa ka pa sa pagiging nega nila kaya mga besh, anuman ang mangyari sa office party n’yo, i-appreciate ang effort ng mga taong naghanda para rito. Minsan lang ito kaya mag-enjoy na lang at ‘wag nang mareklamo.

5. EXCITED SA RAFFLE. Sila ‘yung malalakas manalangin para mabunot sa raffle. ‘Yung tipong kapag ‘di sila nanalo sa pa-dance contest ni boss, sa raffle sila kakapit para may maiuwing cash prize o appliances. Minsan, ‘pag hindi ka talaga suwerte sa mga raffle, mapapahiling ka na lang ng, “Kahit extension cord na lang, oh.” Ha-ha-ha!

Sino ka sa mga nabanggit? For sure, nakaka-relate ka sa iba kaya make sure na ibabahagi mo ito sa mga kakilala mo para malaman nila kung anong klase ng empleyado sila kapag may party sa workplace n'yo.

Gayunman, iba’t iba man ang ating ganap o trip, ‘wag kalimutan na ang araw na ito ay dapat enjoy-in dahil balang-araw, magiging parte ito ng ating Christmas memories. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page