Ipinagyabang sa Instagram ang beauty… Maymay, proud na ka-level na sina Pia, Megan, Kathryn, Nadine

Proud na proud naman si Maymay Entrata at hindi nito napigilang i-flex sa kanyang Instagram account ang pictorial nila ng mga kapwa sikat na aktres sa Kapamilya at Kapuso Network para sa latest cover ng Metro magazine.
Ipinost ni Maymay sa kanyang IG account ang naturang Metro cover kung saan makikitang kasama niya ang mga naggagandahang celebrities sa pangunguna ng mga beauty queens na sina Pia Wurtzbach at Megan Young, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Lovi Poe, Sarah Lahbati, Maja Salvador, Nadine Lustre at Julia Barretto.
At walang nakalimutang i-tag si Maymay kaya for sure, walang fans ng mga naturang celebrities na mamba-bash sa kanya.
Ang caption ni Maymay sa kanyang post, “Ang hirap ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon na puno ng saya, kilig, na bumabalik ‘yung mga panahong nakikita ko lang sila sa magazine at TV.
Maraming salamat po @metromagph ngayong naging posible po maging bahagi po sa #Metro30Reunion kasama ang mga iniidolo ko. Salamat po talaga.”
Oo nga naman, ‘no! Ang maihanay ka sa mga beauty queens at mga sikat, beauty at big time actresses sa showbiz, iba! Panalo!!!





Comments