Wais, para 'di ma-bash dahil super happy together, Daniel… Kathryn at Alden, todo-post ng piktyu
Nitz Miralles / Bida

Photo: @aldenrichards02/@bernardokath
Nagkita-kita ang cast ng Hello, Love, Goodbye for a reunion at Christmas get-together na rin nila. May picture sina Kathryn Bernardo, Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Kakai Bautista, Maymay Entrata at Alden Richards. Parang hindi namin nakita si Lovely Abella at ang nasa litrato pa ay sina Mama Ten at Sam Sanchiangco na laging kasama ni Alden at ilang staff yata ng Star Cinema.
Ipinost ni Alden ang photo nila sa IG Story at may caption na “Suwerte ako sa mga taong ‘to.”
Si Kathryn, ipinost ang two photos nila sa IG, pero naka-set sa “comments on this post have been limited” para siguro maiwasan ang bashings sa kanya at kay Alden.
Ang ganda ng caption ni Kathryn sa photos nila: “This is the best gift I’ve received from filming #HelloLoveGoodbye: the gift of true friendship! Salamat naman at hindi tayo “shooting friends” lang! Will be forever grateful to each and every one of you. Merry Christmas from Team HLG (a.k.a. Team Pabigat)!”
Siguradong kapag ipinost ni Alden sa IG at in-open ni Kathryn ang comment box sa post niya sa photos nila ng mga nakasama sa HLG, malaking isyu sa mga fans. Iba-bash sila, lalo na si Alden, kaya mabuti na ‘yung limited ang puwedeng mag-comment.
Samantala, nag-pictorial na si Alden para sa All-Out Sunday, ang bagong musical variety show ng GMA-7 na papalit sa Sunday PinaSaya. Kasama rin si Alden sa SPS, pero ilang episodes siyang hindi nakapag-report dahil sa busy schedule.
Sa pictorial, nagpasalamat si Alden sa SPS at sa mga nakasama sa show at sabi nito: “It’s been a good run for Sunday PinaSaya na pinasaya ang ating mga Linggo. SPS changed the whole idea of a Sunday show para sa ating mga kababayan. Dahil d’yan, labis ang pasasalamat natin sa APT Entertainment at sa GMA Network para magpakita tayo ng new concept sa show.”
Pinasalamatan din ni Alden ang mga viewers sa four years na suporta sa SPS at nabuksan ang isip ng marami na puwede pala sa noontime show ang comedy. ‘Yun ang ibinigay ng SPS sa loob ng apat na taon.





Comments