top of page

Tinuklaw ng ahas sa paa, sign na puwedeng mahulog sa tukso sa mas bata

  • Socrates Magnus
  • Dec 21, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Marilyn ng Marilyn_Basto@face-book.com

Dear Professor, Napanaginipan ko na tinuklaw ako ng ahas sa paa, nakabitin siya at hindi maalis, pero maliit lang siya. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Marilyn

Sa iyo Marilyn,

Mula noon hanggang ngayon, ang ahas ay sumisimbolo ng tukso kung saan tulad sa tunay na buhay, kapag natuklaw ng ahas ang tao, puwede itong mamatay.

Sa panaginip, parang gayundin na kapag napanaginipan na natuklaw ng ahas, siya rin ay mamamatay na ang ibig sabihin ng “mamamatay” ay mabago ang kanyang buhay, as in, ang dating buhay niya ay mawawala na.

Kaya lang, ang bagong buhay niya ay masasabing hindi maganda dahil mapasasama siya. Kaya nga ang kabilin-bilinan ay lumayo sa tukso nang hindi mapahamak. Ito rin ang mensahe ng iyong panaginip na nagbababala na puwedeng-puwede kang mahulog sa tukso.

Ang babala ay hindi tulad sa tunay na hula kung saan ang hula ay tiyak na magaganap dahil kailangang matupad ang salita ng “hula”.

Samantala, ang babala ay kapag pinakinggan ay walang masamang mangyayari at makaiiwas sa mga hindi magagandang kaganapan.

Muli, ikaw ay binabalaan na puwede kang mahulog sa tukso na sisira sa buhay mo. Ang dagdag na kaalaman mula sa iyong panaginip ay mas bata sa iyo ang tukso mo dahil sa panaginip, ang ahas ay maliit lang.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page