Super-asar sa tila na wagas makahingi ng pera, dedma naman kapag kailangan
- Roma Amor
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Gusto ko sanang humingi ng payo sa inyo dahil naiinis ako sa tita ko. Dahil may trabaho ako, alam niya na may inaasahan akong 13th month pay at bonus. Nang magkasalubong kami, kinausap niya ako at nagtanong kung nasaan na raw ang bonus niya. Hindi ko alam kung paano magre-react kasi hindi naman kami close at isa pa, nu’ng mga panahong gipit ang pamilya namin ay minamaliit nila kami. Ano ang gagawin ko? —Aileen
Aileen, May mga kamag-anak talaga tayong nand’yan lang kapag alam nilang may makukuha sila sa atin, pero kapag tayo ang may kailangan ay tila hindi nila tayo kilala. Tsk! Alam mo, ‘wag kang magpaka-stress sa ganyang uri ng tao dahil hindi siya makatutulong sa iyo. Gayundin, ‘wag mong kalimutan na kung wala siya sa tabi n’yo nu’ng mga panahong kailangan n’yo siya, hindi niya deserve maging bahagi ng tagumpay mo. Okie?





Comments