top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Natauhan lang daw na hindi niya kaya… Juday, umaming muntik na silang maghiwalay ni Ryan

  • Ronalyn Seminiano
  • Dec 21, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Inamin ni Judy Ann Santos sa show ni Tito Boy Abunda na Tonight with Boy Abun­da na muntik na silang umabot sa hiwalayan ng mister niyang si Ryan Agon­cillo.

Tanong ni Tito Boy kay Juday, “Did you actually fight that almost brought you to… like a separation?”

Sagot ni Juday, “O, yeah. Tine-test ni Lord kung gaano ‘yung faith and ‘yung kung gaano kayo… ‘yung ‘Kaya ko ba talaga?’ because it’s always easy to say pero ‘pag nandu’n ka na, ‘Kaya ko ba talaga?’”

Sey pa ni Juday, ang mga anak lang niya ang kinapitan niya nu’ng punto na ‘yun. Aniya, “Because it’s unfair na I stick to the marriage because of the children. It’s between me and Ryan.

“But at the end of the day, hindi ko kaya. Naiisip mo lang siya because galit kayo sa isa’t isa and you hate each other sa moment na ‘yun. But it doesn’t mean you don’t love each other.”

Dagdag pa ni Juday, “I think im­por­tante, Tito Boy, that you give that space and respect to each other. Lahat naman ng tao needs quiet time. Hindi mo naman kailangang palaging nag-uusap.

“Sometimes being quiet is also beautiful because you have to listen to yourself, hindi mo siya kailangang kulitin, hindi ka niya kailangang kulitin. But it doesn’t mean that may something. Gusto lang niyang tumahimik. Period. Okay lang ‘yun.”

Ang natutunan daw ni Juday kay Ryan ay “to sit still on highlands.”

Aniya, “I never had this highlands until I met him.

“Siya, sanay siya ru’n, eh. Na-introduce niya ako sa ganu’n when we were dating.

“Kailangan kong mag-news blackout. Ayokong makakita ng kahit na anong balita about me. Ang tindi ng issue sa ‘kin nu’n. Gusto ko lang mag-zone out, magpahinga.

“And then, he just respected my silence. Tulog ako the whole day and he’s just there and I realized ma­sarap pala ‘yung ganito.”

Well, lahat naman ng relationship ay du­ma­raan sa mga pagsu­bok. Pagsubok na ma­aaring makapag­pata­tag sa pag­mamahalan o maging ugat ng hiwa­layan.

Pero bago mo hiwa­layan ang taong mata­gal mong pinanghawa­kan, isipin mo muna ang da­hilan kung ba­kit ka ku­mapit nang ganyan ka­tagal. Baka sakaling ma­ibalik nito ang sigla ng pag-iibi­gan.

At kung feeling mo, hindi na talaga magwo-work, let go. But remember na hinding-hindi mo na maiba­ba­lik ang naka­lipas. Ito’y mabubuhay na la­mang sa ating alaala.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page