top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mas positibong pagharap sa 2020, good news!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2019
1 min read

Sampung araw na lang at haharapin na natin ang taong 2020.

Ayon sa isang survey, mas maraming Pinoy ang nagsasabi na puno ng pag-asa ang susunod na taon.

Ang naitalang 93 percent hopefulness ngayong taon ay dalawang porsiyentong mas mataas kumpara noong December 2018. Samantala, 48 percent naman ng mga Pinoy ang nagsabi na inaasahan nilang magiging masagana ang pasok ng taon sa kanilang pamilya.

Sadyang likas na sa ating lahi ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Kaya nating ngumiti sa kabila ng paghagupit ng bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad at kinakaya rin nating muling bumangon mula sa mga ito.

Hindi rin tayo basta natitinag sa mga problema sa pamilya, komunidad at maging sa mga kontrobersiya pagdating sa politika. Sadyang subok na ang ating katatagan at kaalaman sa pagharap sa mga bagay na ito.

Gayunman, may mga pagsubok na sana ay nakapulutan na natin ng aral at hindi na kailangang haraping muli.

Sa pagkakataong ito, dapat mas handa na tayo. Handa sa pabagu-bagong klima, lumalalang pagbaha, mas matinding trapik, iba’t ibang modus-operandi sa paligid at ang tila hindi makontrol na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ang pagtukoy sa mga problemang ito ay hindi nangangahulugan ng pagpapakanega kundi pagtanggap na may kailangan tayong gawin at sisimulan natin ito ngayon at hindi sa susunod na taon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page