Horoscope | Disyembre 21, 2019 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Dec 21, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 21, 2019 (Sabado): Pinagpala ka ng langit dahil sa kabutihang loob mo sa iyong kapwa. Ito rin ay nagbibigay ng garantiya na hindi ka pababayaan ng Dakilang Lumikha.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalong sinusuwerte ang nagbibigay dahil siya ay masaya. Isabuhay mo ito nang sa gayun ay hindi ka iiwanan ng mga suwerteng nagdaratingan sa iyo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-14-29-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maliit at malaking mga suwerte ang para sa iyo. Kahit ayaw mo na o kuntento ka na, patuloy pa ring daragsa sa buhay mo ang nakatutuwa at nakaaaliw na mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-19-21-25-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala at manghinayang sa mga suwerteng lumagpas sa iyong mga kamay. Ibinabalita ng iyong kapalaran na magbabalik sila para sumaya ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-29-30-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Maiiyak ka sa araw na ito, hindi dahil sa hindi magagandang kaganapan kundi dahil sa mga sorpresang inihanda ng butihing langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-26-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ubusin ang iyong lakas. Ireserba mo ito sa mga araw na mas kailangan mo ito. Nagdaratingan palang ang mga hamon ng iyong kapalaran na ang premyo ay mas malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-16-20-24-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Patuloy ang pagdating sa iyo ng masasaya at magagandang kapalaran, may nakasisingit din na hindi gaanong maganda, pero matatabunan din ng sobrang kaligayahan na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magalit sa araw na ito dahil ang mga suwerte ay nagsisiatras kapag may galit sa puso ang tao. Sa halip na magalit, mas maganda na magmahal ng kaaway. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-20-36-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Harapin mo ang araw na ito nang buo ang kalooban. Ang pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala sa sarili ay walang magandang maidudulot kahit kailan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-8-11-15-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Panatilihin mo ang iyong kababaang loob dahil ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo sa mga araw na ikaw ay may mababang kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-19-26-32-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, palakas nang palakas ang iyong mga suwerte. Ihanda mo ang iyong sarili, gayundin, isabuhay mo ang pagiging positibo at pagkakaroon ng tiwala sa iyong sariling kakayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-17-29-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nagdaratingan ang iba pang mga suwerte na inilaan ng langit para sa iyo. Ang mga ayaw mo at nagbibigay sa iyo ng lungkot sa buhay ay mabilis ding aalisin ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-16-28-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit puno na ang kaban ng yaman mo, may darating pa ring mga suwerte sa iyo. Kung nagkataong kulang pa ang mga suwerte mo, hindi ka bibiguin ng langit dahil mabibigyan ka pa rin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-27-31-36-45.




Comments