top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Swak ang destiny number... Mare-regular na sa trabaho, magiging BF pa ang torpeng crush na katrabaho

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 20, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, Ano ang kapalaran ko sa love life at trabaho? May trabaho ako kaya lang, casual employee lang at hindi ko alam kung kailan ako mare-regular. Mare-regular pa ba ako kasi gusto ko na ang trabaho ko at bukod sa maganda ang environment dito, may crush ako na officemate ko? Itatanong ko lang kung darating kaya ang panahong liligawan niya ako? Mahiyain siya, pero madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Kapag palagi ka bang tinitingnan ng lalaki, ibig sabihin ay crush ka niya? Hindi ko kasi sure kung ano ang feelings niya sa akin dahil bihira kaming mag-usap at nagbabatian lang kami tuwing magkakasalubong, tapos wala na. Siya na kaya ang magiging first boyfriend ko kahit hindi naman siya kumikibo o nakikipag-usap sa akin? Sa pagkakaalam ko, wala pa siyang girlfriend. April 5, 1994 ang birthday ko habang November 25, 1994 naman ang birthday niya.

Umaasa, Joy ng Veterans Village, Project 7, Quezon City

Dear Joy, Wala ka namang kaproble-problema kahit may pagkatorpe o mahiyain ang crush mo dahil ang mabuting balita, ang zodiac sign mong Aries at zodiac sign niyang Sagittarius ay compatible sa isa’t isa sapagkat kapwa kayo nagtataglay ng elementong fire o apoy. Ayon sa Western Astrology, as long as pareho ng elemento ang dalawang zodiac signs, compatible sila.

Ang nakatutuwa pa nito, bukod sa compatible kayo sa zodiac sign, pansinin mo ang birth date mong 5 at destiny number mong 5 din (4+5+1994=2003/ 20+ 03=23/ 2+3=5) ay siya namang destiny number ng lalaking crush mo. Naging 5 ang destiny number ng crush mo dahil ang birthday niyang November 25, 1994 ay ganito kinokompyut: 11+ 25+1994=2030/ 20+30=23/ 2+3=5.

Sa madaling salita, sakto at tugma kayo ng torpe at tahimik na crush mo kaya kahit may pagkamahiyain siya o ayaw magsalita kung saan iniisip mo na hindi ka niya kayang kausapin at ligawan, sigurado namang darating ang panahon na tadhana ang kusang kikilos upang maging magkaibigan kayo at makabuo ng maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Samantala, ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay kausapin mo ang iyong crush. Oo, kausapin mo siya hanggang sa maging magkaibigan kayo at sa bandang huli, magiging magka-close kayo at kusang mabubuo ang matamis at masayang pagmamahalan.

Hinggil naman sa tanong mong mare-regular ka sa trabaho, positibo ang tugon hangga’t pula, gray, silver o green ang kulay ng logo ng inyong kumpanya dahil tunay na paborable at suwerte sa iyo ang nasabing mga kulay.

Ayon sa iyong Career at Love Calendar, sa 2020 sa buwan ng Marso hanggang Abril, habang nalalapit ang kaarawan ng crush mo, tiyak ang magaganap, sa panahon sa edad mong 26 pataas, magkasabay na darating sa iyo ang suwerte sa trabaho at love life kung saan mare-regular ka sa trabaho at magiging boyfriend mo na rin ang mahiyain at torpeng crush mo hanggang sa tuluyan kayong makabuo ng romantiko at nakakikilig na relasyon, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page