Mga Bagay na dapat baguhin at itapon ngayong winter solstice
- Sr. Socrates Magnus II
- Dec 20, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mahalagang impormasyon sa pagsapit ng “winter solstice”.
Eksaktong alas-12:12 ng tanghali sa December 22, 2019 (Philippine time), magaganap na ang winter solstice.
Sa winter solstice, magsisimula nang maranasan na mas mahalaga ang night time kaysa sa daytime. Ito rin ay nagsasabing naikot na ng earth ang sun o the earth has completed another annual circuit around the sun.
Dahil dito, ang bawat isa ay may bago na namang kapalaran dahil ang bawat gulong ng kapalaran ay muli na namang iikot para sa bagong buhay.
Paano mapakikinabangan ng tao ang winter solstice?
Dapat tanggapin ng tao na ang tapos na ay tapos na nang sa gayun ay makapagsimula siya sa bagong kapalaran.
Tulad ng agos ng ilog, ang bawat sandali ay may bagong tubig na hindi na nagbabalik ang tubig sa bawat pag-agos. Kaya ganundin, bago ang bawat sandali.
Ang payo ay kalimutan ang nakaraan upang magkaroon ng panibagong buhay.
Maganda rin na ang mga bagay na nagdala ng kamalasan ay itapon o huwag nang gamitin kaya mas magandang bumili ng mga bagong gamit o kasangkapan o kagamitan.
Ipinapayo rin na ang mga taong nagdulot ng labis na kalungkutan ay ganap na ring kalimutan.
Mas maganda rin na magkaroon ng bagong pananaw sa buhay, bagong adbokasiya at prinsipyo na puwedeng magpataas sa antas ng pagkatao.
Magkaroon ng mga bagong kaibigan at tao na pakikisamahan.
Ang mga kasalukuyang kaibigan ay puwedeng panatilihin sa buhay sa kondisyon na ang bawat isa ay dapat magkaroon ng bagong buhay.
Ganu'n din sa pakikipagrelasyon, maghanap ng bagay na puwedeng baguhin para sa mas maayos at maligayang pagsasama.
Nakatutuwa ang hiwaga ng buhay kaya masasabing dakila ang Poong Maykapal, dahil ang winter solstice ay nagtugma sa papalapit na Bagong Taon, ito ay maiuugnay sa New Year.
Maagang pagbati sa lahat ang aking ipinaaabot, in the spirit of winter solstice, may all of us have a new life in this coming New Year.
Good luck and God bless!




Comments