top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Disyem­bre 19, 2019 (Huwebes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 19, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 19, 2019 (Huwebes): Kakambal mo nang ikaw ay isinilang ang pananalo. Kaya huwag kang aatras sa anumang hamon ng iyong kapalaran dahil ang pananalo ay mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin. Ang sinumang bumangga sa iyo ay makasasagupa ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-27-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakasan mo ang loob mo at huwag kang maghintay ng senyales dahil ngayon ang tamang pagkakataon para kumita ka nang malaki. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-24-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Huwag na huwag kang mag-aalinlangan nang hindi ka masingitan ng mga gustong umagaw sa iyo ng iyong mga napanalunan ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-20-22-24-34.

CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang mapasasaiyo dahil mapakikinabangan mo ito sa larangan ng negosyo. Maganda rin kung ito ay iyong gagamitin sa pakikipagsapalaran sa ibang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-21-27-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalapit sa iyo ang mga suwerte at magsisidapo sa iyo kapag nakitang buo ang loob mo. Kaya huwag kang kukurap, kumilos ka ayon sa gusto mo at ang mga suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-24-39-41-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumalakad ang mga panahon at ang nalagas na mga sandali ay hindi na nagbabalik, kumbaga, ang lahat ay bago. Ito rin ang batayan nang sa gayun ay magbago na ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-16-17-20-21-25.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nadagdagan ang iyong kaalaman, pero ang payo ay magdagdag ka at humingi ng payo at opinyon sa mga nauna sa iyo. Mas marami silang karanasan kaya mas marami silang alam. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-28-30-31-37-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itayo mo ang sarili mong paniniwala. Hindi maganda kung sasakay ka lang sa paniniwala ng iba kahit sila ay mas marami. Magugulat ka dahil ikaw ang makatatanggap ng malalaking biyaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-17-24-25-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang tama, roon ka pumanig. Gawin mo ito dahil masasaktan ang damdamin ng ilang malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-20-29-31-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsaya ka dahil ang lahat ay nagsasaya. Mayroong ilan na hindi masaya, pero ang gusto rin nila ay sumaya. Magsaya ka dahil ikaw ay puwedeng maging masaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-21-26-34-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Papunta ang takbo ng panahon sa pagbabago, kaya maiiwanan ang ayaw magbago at ang hindi makasasabay sa panahon. Mag-isip ka kung ano ang puwede mong baguhin sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-20-23-34-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa tapos ang suwerte mo. May ilang malalaking suwerte ang darating kaya salubungin mo ito nang may ngiti sa iyong mga labi at may galak sa iyong puso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-21-25-34-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page