Hindi lang mga bata ang nireregaluhan... Mga swak na Pamasko na tiyak ikatutuwa nina lolo’t lola
- Justine Daguno
- Dec 19, 2019
- 2 min read

Marami ang nagsasabi na ang Pasko raw ay para lamang sa mga bata. Kaya karamihan sa atin, mas nag-e-effort na mag-isip at bumili ng mga panregalo sa mga tsikiting.
Walang problema dahil kung iisipin, masaya talagang makakita ng mga bata na natutuwa dahil nabigyan sila ng pamasko. Pero wait lang, may regalo na ba kayo para kina lolo at lola?
Naku, hindi porke granny na sila, hindi na sila kasama. Wala sa edad ang okasyong ito, mga beshies! Kaya naman, narito ang ilang gift ideas na siguradong ikatutuwa ng ating mga lolo’t lola:
1. TRAVEL PILLOW. Sobrang oks ito dahil hindi alintana na medyo marami na silang iniinda dulot ng kanilang pagtanda. Siguradong hindi na sila mahihirapang bumiyahe kapag magbabakasyon sa probinsiya dahil komportable na silang makakatulog o makakapagpahinga.
2. SCENTED CANDLE. Da best na holiday gifts para sa ating grandparents ang mga bagay na useful para sa kanila. Ang scented candles ay super okay dahil nakapagpapa-relax ito. Kapag hindi sila makatulog o hirap silang makatulog, puwede nila itong gamitin para sure ang kanilang ‘good night sleep’.
3. MOVIE TICKETS. Magugustuhan din ito nina lolo’t lola dahil ngayong Pasko, maraming ipinalalabas na masaya at pampamilyang pelikula sa mga sinehan. Siguradong mag-e-enjoy sila dahil nakalibre na, naka-bonding pa nila ang kanilang pamilya.
4. GAMIT SA KUSINA O REPAIR TOOLS. Kung mahilig silang magluto o ‘magbutingting’, good idea na bigyan sila ng mga ganitong bagay. For sure, matutuwa sila kapag nadagdagan na naman ang kanilang mga koleksiyon na puwede nilang pagkaabalahan kapag wala silang magawa. 5. PERA. Wala naman sigurong tatanggi kapag binigyan ng pera, ‘di ba? Kung wala na kayong time o hindi kayo sigurado sa trip ng lolo’t lola n'yo, eh, abutan n’yo na lang ng pera para sila na mismo ang bumili ng gusto nila.
Para sa ating mga Pinoy, ngayong Pasko, hindi mawawala ang pagbibigayan ng regalo. Huwag nating isiping kuntento o kaya na nilang bilhin ang mga bagay na ito. Sa totoo lang, masarap makatanggap ng regalo o magregalo, partikular sa mga taong may espesyal na parte sa ating puso.
Pero sana, bukod sa materyal na bagay, huwag nating kalimutan ang pinakamahalagang bagay na puwede nating ibigay — appreciation at pagmamahal.
Give more love this Christmas, mga ka-BULGAR!




Comments