top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

GF ni Arjo, kaya lagi raw binabanggit sa mga interviews… Sigaw ng fans ni Maine: Sylvia, user para p

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 19, 2019
  • 1 min read

Magpo-produce na rin daw ng pelikula si Arjo Atayde. Ito ang nabanggit ni Maine Mendoza noong makausap namin sa presscon ng MMFF 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity na produced ng APT Entertainment.

Kaya naman hindi imposible na magkasama at magkatambal sila ng kanyang BF.

At least, masusubukan ang kanilang chemistry ni Arjo on screen.

Wish ni Maine, matanggap at maintindihan ng mga AlDub fans kung sakali na itambal na siya sa ibang aktor. Tutal, si Alden Richards naman ay gumawa na rin ng pelikula with Kathryn Bernardo at kumita ito nang husto sa takilya.

Samantala, aware kaya si Maine na naba-bash at may isyu ngayon ang mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez dahil sa kanya? May ilang kampo na nanggigigil kay Sylvia at pinagbibintangang ginagamit daw ang Dubsmash Queen para i-promote ang kanyang TV show sa Dos.

Unfair ito para kay Sylvia na isang magaling na aktres. Wala pa si Maine sa showbiz, sikat na siya at may mga pelikula at TV shows na. Hindi niya intensiyon na paminsan-minsan ay banggitin si Maine sa kanyang mga interviews dahil girlfriend ito ng anak niyang si Arjo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page