top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ganern, Marian? Jennylyn, ipinost ang piktyur nila ni Dingdong, fans todo-kilig

Nitz Miralles
Dec 19, 2019
2 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @mercadojenny

Naka-post na ulit sa Instagram (IG) ni Jennylyn Mercado ang BTS ng taping nila ni Dingdong Dantes na isa sa iconic scenes ng Descendants of the Sun. Ito ‘yung eksenang inaayos at itinatali ni Big Boss (Dingdong) ang sintas ng sapatos ni Dr. Kang (Jennylyn).

Nailagay ni Jennylyn ang mga photos at BTS ng taping nila, pero dinelete rin dahil maaga pa that time na mag-post ng kahit ano.

Ngayon, puwedeng-puwede nang ilabas pati teaser plug ng mga bagong shows ng GMA-7 para sa 70th anniversary ng network, at makikita na rin ito sa IG niya.

Isa ang eksena nina Big Boss at Dr. Kang sa mga inaabangan ng mga Kapuso viewers at magpapakilig ito sa mga susubaybay sa DOTS. Ipinost pa nga lang ni Jennylyn ang mga photos nila ni Dingdong, marami na ang kinilig at gustong mapanood ang DOTS.

Pati mga kapwa artista ni Jennylyn, excited sa airing ng DOTS na ang unang balita namin ay sa March, 2020 ipapalabas. Pero nitong huli, sabi ay sa February, 2020 na ang airing.

Kahit kailan pa magsimula ang DOTS, siguradong aabangan.

Speaking of Jennylyn, magtatapos ang taon niyang sobrang busy siya at magiging ganu’n din sa 2020. Bukod sa movie kung saan kasama niya sina Coco Martin at Ai Ai delas Alas, pinaghahandaan na nila ni Dennis Trillo ang February 15, 2020 post-Valentine concert nila billed Co-Love sa New Frontier Theater.

Kasunod nito ang airing ng DOTS at may pelikula silang pagsasamahan ni Dennis sa Reality Entertainment. Hopefully, next year, makapag-shooting na ang dalawa.

****

NAG-TRENDING at nagtagal sa trending list ang pagge-guest ni Kisses Delavin sa Eat… Bulaga! kahapon sa segment na Bawal Judgmental. Sinuportahan din siya ng kanyang mga fans na pumunta sa studio ng TAPE, Inc. sa Marcos Highway kung saan ginagawa ang Eat… Bulaga!.

Nabitin ang mga fans ni Kisses sa guesting nito sa EB! at ang request nila sa Triple A na siyang nagma-manage ng career ni Kisses ngayon ay gawin siyang mainstay ng show. Kakayanin daw ng schedule ng aktres dahil Christmas vacation naman.

Natanong din namin si Rams David kung kasama si Kisses sa cast ng teleserye nina Marian Rivera at Gabby Concepcion na First Yaya.

“Hindi pa namin napag-uusapan at malay mo,” ang sagot ni Rams. At least, hindi outright na “no” ang sinabi niya.

Matutuwa ang mga supporters nina Marian at Kisses kung magkakasama sila sa First Yaya. Kaya lang, hindi pa yata dinadala at ipinakikilala ni Rams at ng Triple A si Kisses sa mga bossing ng GMA Network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page