Bigtime pusher, arestado sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Dec 19, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO — Naaresto ang bigtime drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ladtingan, Pikit.
Ang suspek ay nakilalang si Noel Rama, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad si Rama at kamakalawa nang nagkaroon ng pagkakataon ang pulisya na dakpin ang suspek sa drug-bust operation.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Rama.
Samantala, nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments