Sey mo, Daniel? Mayor Lani, nagsalita na sa movie nina Sen. Bong at Kathryn
- Julie Bonifacio
- Dec 18, 2019
- 3 min read

Bago umalis ng Pilipinas si Bacoor City Mayor Lani Mercado para um-attend ng wedding ng anak na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita sa California, U.S.A. ay naikuwento niya ang kanyang working experience with Maine Mendoza sa set ng Mission Unstapabol: The Don Identity.
“Naimbitahan ako ni Bosing Vic (Sotto) na maging nanay ni Maine Mendoza sa movie nila. So, may MMFF po ako,” sabay tawa ni Mayor Lani.
Aminado ang aktres-pulitiko na matagal na siyang fan ni Maine.
“Remember nu’ng una kaming pumasok dito, may Halloween parade kami. Lahat sila, Disney characters. Ang ginawa ng opisina ko was Eat… Bulaga!. So, nandoon lahat ng characters. Ako ‘yung Maine. Tapos ang music namin, ‘yung God Gave Me You,” sey ni Lani.
Paglalarawan naman ni Mayor Lani kay Maine, “Tahimik siya, eh. I find her very tahimik. Tapos, alam mo, she’s very busy. She’s doing two movies nu’ng ginagawa namin ‘yung movie. So, she’s shuttling from one shoot to another.
“Walang ereng bata,” papuri pa niya sa Dubsmash Queen.
Nanghinayang naman si Mayor Lani dahil ‘di sila nakapagkuwentuhan ni Maine regarding her love life.
“Hindi kami masyadong nagkakuwentuhan ng love life kasi very short lang ‘yung time namin sa set.”
Samantala, keri lang daw niya ang umarte sa movies, pero gustuhin man niyang magkaroon ng teleserye, ‘di na talaga kakayanin ng schedule niya.
“Basta sabi ko, huwag lang soap kasi hindi ko kaya. Kaya kong mag-guesting. And eto ang ibinigay ng Panginoon sa akin.”
Ironically, ang mister niyang si Sen. Ramon “Bong” Revilla na laging gumagawa ng pelikula sa Metro Manila Film Festival noon ang siya namang walang entry this year.
“Yes, and unfortunately, wala siyang movie ngayon. Pero may pinaghahandaan po siya for next year. Siyempre, ang pinagpokusan ni Sen. Bong, simula manalo siya nu’ng eleksiyon is his public service profession. Doon talaga siya nagtuon ng pansin. Saka gusto niyang patunayan sa tao na, ‘Ako po ay… tama po na ako ay ibinoto ninyo. Ako po ay participative. Ako po ay nagtatrabaho sa Senado.’
“So, doon muna siya nag-focus sa unang buwan, sa ilang unang buwan niya sa pagle-legislate sa Senate.”
Bagaman hindi na nakakabasa ng mga comments sa social media si Mayor Lani, may mga nagpaparating naman sa kanya ng mga pamba-bash kay Sen. Bong especially sa balitang pagkakaroon niya muli ng show sa GMA-7.
“They should wish Bong well. Kasi, he’s somebody, kilala ninyo naman si Bong, he has a very good heart. And if people would like to give him a second chance in his TV career and movie career, bakit hindi?
“Kahit papaano, isa rin naman siya sa mga naging haligi ng industriyang Pilipino. Film festivals during our time, during his time, talagang consistent. Very passionate siya. Mahal niya ang industriya.
“Uh, mawawala ang public service pero I believe, his love for his craft will always be there. Kasi, ine-elect kami, eh. Ine-elect siya. Pero ang pagmamahal niya sa industriya ay I don’t believe mawawala ‘yan. Nand’yan ‘yan (sabay turo niya sa puso niya). May special part ‘yan sa puso niya.”
Bukod sa bagong show sa Kapuso Network, may kumalat ding balita na isa si Kathryn Bernardo sa mga pinagpipilian bilang leading lady ni Sen. Bong sa pelikulang gagawin niya.
Sey ni Mayor Lani, “Hindi ko po talaga alam ‘yung details. Ayoko po munang magsabi. Mas maganda po siya na lang ang magsabi. Although, merong project at naririnig ko na may project with Kathryn. But I think, this is a different movie. I don’t know if it’s for filmfest. It’s a different movie aside pa po sa ipo-produce ng Imus Productions.”





Comments