top of page

Sen. Lapid, imbes batas, pelikula ang ginagawa

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 18, 2019
  • 2 min read

BILANG SENADOR, DAPAT BATAS PARA SA KAPAKANAN NG TAUMBAYAN ANG GAWIN NI LITO LAPID, HINDI PELIKULA—Ayon kay Sen. Lito Lapid, gagawa raw siya ng pelikula kasama sina Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Bong Revilla, Sen. Manny Pacquiao, Robin Padilla at Coco Martin.

‘Yan ang problema kapag artista ang ibinoto ng publiko para maging senador, imbes na paggawa ng batas para sa kapakanan ng mamamayan ang atupagin, eh, ang nasa utak ay paggawa ng pelikula, buwisit!

◘◘◘

DAGDAG-SUWELDO SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO—Sinertipikahan ni P-Duterte na urgent bill ang dagdag-suweldo sa mga gov’t. workers at dahil d’yan ay inaasahang ipapasa agad ito ng mga kongresista at senador.

Good news ‘yan, pero P2,000 lang ang idaragdag sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno at ang masaklap, 2023 pa ang magiging implementasyon nito, hu-hu-hu!

◘◘◘

PDEA CHIEF AARON AQUINO, ‘BALIMBING’—Inupakan ni VP Leni Robredo si PDEA Director Aaron Aquino dahil noong nasa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) pa raw siya ay sinabihan siya ng PDEA director na huwag silang iwan ng VP, pero noong wala na siya sa ICAD ay idinadaldal na raw nito (Aquino) sa media na wala raw siyang naitulong sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Sa sinabing ito ni VP Leni, tila pinalalabas niyang balimbing si Director Aquino, period!

◘◘◘

KAPAG INAMIN NI PDEA CHIEF AQUINO NA PINIGILAN NIYANG HUWAG UMALIS SA ICAD SI VP LENI, MALAMANG SIBAK ANG ABUTIN NIYA KAY P-DUTERTE—Itinanggi ni PDEA Director Aaron Aquino na sinabihan niya si VP Leni na huwag silang iwan sa ICAD.

Natural, ‘yan ang gagawing palusot ni Aquino kasi kapag inamin niya, malamang sasamain siya kay P-Duterte at ang masaklap ay sibak ang abutin nito, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page