top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Disyem­bre 18, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Dec 18, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 18, 2019 (Miyerkules): Iti­nak­dang mapasaiyo ang iyong mga ambisyon. Tiyak na ito ay mangyayari dahil ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo ang lakas ng loob mo at tatang­gap ka ng regalo mula sa langit ng mga bagay na sob­rang magpapasaya sa iyo. May dagdag pa na ang iyong ambisyon ay abot-ka­may mo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-9-11-16-29-35-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaang ma­wawala ang ka­duwagan mo. Magagawa mo nang madali at maayos ang mga hindi mo nagawa noon dahil pi­nanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-21-27-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Alisin mo ang iyong pa­ngam­ba, kumilos ka na para bang hawak-ha­wak mo na ang mga gusto mo. Isang sikreto ito ng ta­gumpay na nagsasabing ang laman ng isip ay magkaka­totoo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-14-16-21-24-32.

CANCER (June 21-July 22) - Ha­napin mo ang wala sa iyo dahil ito ang tunay na susi ng kaligaya­han. Dahil dito, makukum­pleto ang buhay mo at ma­bilis ka ring aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-26-29-30-37-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­paliligiran ka ng mga taong palihim na na­ka­kontra sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil pansaman­tala lang ito dahil sa huli ay sobrang mahal ka na nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-21-28-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalapit nang kusa sa iyo ang mga suwerte mo kahit saan ka magpunta o kahit ano ang ginagawa mo. Ang totoo nga, madalas mangyari sa buhay mo ang ganitong masayang senaryo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-24-27-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli kang pa­paboran ng la­ngit. Ang mga hinanakit mo ay pakiking­gan at ikaw ang papanigan, pero huwag na huwag mong kaligtaan na ang mga ka­pus-palad ay iyong tulu­ngan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-15-16-20-23.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kontrolin mo ang iyong ta­pang. Ngayon ay panahon ng pagma­ma­halan at hindi panahon ng pagpapakita ng tapang. Mas magandang isabuhay mo ang utos na mahalin mo ang iyong kaaway. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-21-22-27-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakitaan mo ng maganda ang nanganga­rap na maagaw sa iyo ang puwesto mo. Sa ganitong pa­raan, magigising siya sa katotohanan na walang pu­wedeng pumalit sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-14-18-20-22.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masayang ibinabalita sa iyo ng kapala­ran mo na ang mga suwerte ay lumalakas nang lumakas hanggang sa todong-lakas ngayong kapaskuhan hang­gang sa susunod pang taon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-13-19-24-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aalalay at hinay-hinay lang. Sa dami ng mga bagay na magpapa­saya sa iyo, baka mapagod ang isip at katawan mo da­hil may magdaratingan pa. Muli, alalay at hinay-hinay lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-25-28-35-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung parami­han ng regalo na para sa iyo, mas ma­rami ang mula sa malayo na nagmamahal sa iyo at ma­rami rin ang ma­tatanggap mo mula sa mga taong ma­layo ang loob mo sa kanila. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page