Kontrabidang biyenan-to-be, todo-tutol sa kasal nila ng BF

Dear Roma,
Sumulat ako sa inyo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. May plano na kaming magpakasal ng BF ko dahil nakapag-ipon na kami. Kinompronta ako ng mama niya nang malaman nito ang plano namin at nagagalit siya dahil kailangan pa raw tumulong ng BF ko sa pamilya nila. Naiinis ako dahil bakit sa akin siya nagagalit, eh, hindi ko naman pinilit na magpakasal ang BF ko at mutual ang desisyon namin? Sabi naman ng BF ko, dedmahin ko na lang daw ang mama niya dahil hindi naman siya ang pakakasalan ko, gayundin, gusto niya nang bumukod dahil toxic ang kanyang pamilya. — Jasmin
Jasmin,
Naku, sis, mahirap nga ‘yang sitwasyon mo dahil sabi nga nila, sa pagpapakasal, para ka na ring nagpakasal sa pamilya ng mapapangasawa mo. Gayunman, nasa inyo pa rin ng BF mo ang magiging desisyon dahil buhay n’yo ‘yan. Ang maipapayo lang natin ay hangga’t maaari, kumbinsihin n’yong dalawa ang pamilya niya na handa na kayong bumukod at karapatan n’yo ‘yun para maging mapayapa ang plano ninyong pagpapakasal. Good luck!





Comments