top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sukang-suka na nakakita ng batang dinidilaan ang pupu

  • Socrates Magnus
  • Dec 16, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Marlyn ng Marlyn_Grace@face-book.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nakakita ako ng bata na dumudumi at maraming tao, pagtingin ko sa bata, tumpuk-tumpok ‘yung dumi niya. Tapos nang umusog siya habang dumudumi, natapakan niya ito at saka dinilaan 'yung paa niya na may pupu, tapos nagising ako dahil nasusuka ako nang makita ko na dinidilaan nu’ng bata ‘yung dumi sa paa niya. Pagkagising ko, parang tunay ang nangyari sa panaginip ko dahil pakiramdam ko ay nasusuka ako. Salamat!

Naghihintay, Marlyn

Sa iyo Marlyn, Alam mo, iha, hindi lang dumi o pagkain ng dumi ang nakakasuka, may mga pinaggagawa ang ating mga kakilala na nakakasuka rin.

Minsan, ang ugali ng tao ay nakakasuka, minsan, ang mga balitang ating naririnig ay nakakasuka rin kung saan ang ibig sabihin ng nakakasuka ay hindi natin kayang tanggapin.

Sa iyong panaginip, masusuka ka sa mga pinaggagawa ng bata. Nangyayari ang ganito dahil magiging bahagi ng buhay mo ang mas bata sa iyo, pero dahil iba ang buhay ng mga bata, hindi mo magugustuhan at hindi mo kayang kainin o tanggapin.

Kaya magkakatotoo sa buhay mo ang wrong timing ng pagdating ng tao sa buhay ng isa pang tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang panahon, kumbaga, iba ang buhay ng kabataan kaysa sa iyong buhay.

Kaya lang, may pagkakataon na ang pagsusuka ay sa una lang, kumbaga, sa first encounter lang dahil kapag talagang kailangan gawin ang nakakasuka, ang pagsusuka ay mawawala na.

Muli, kapag kailangan, kailangan mong gawin. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay ngayon.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page