top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Parehong nahiwalay kina Julia at Elmo… Joshua, kumanta kung bakit nagswak agad sila ni Janella

  • Ronalyn Seminiano
  • Dec 16, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Sa thanksgiving party ng The Kil­ler Bride last Dec. 14, ibi­nul­gar ni Janella Salvador kung ano’ng klaseng tita sa kanya si Maja Salvador ka­pag nasa set sila ng seryeng kanilang pinag­bibidahan.

Naitanong ang naging working relationship nila bilang magtiyahin dahil first time ni­lang nagkasama sa isang serye.

Pauna ni Maja, “She’s not allowed to call me tita.”

Pero bigla rin naman itong kumambiyo kay Janella, “Ano’ng shoe size mo?”

Sey naman ni Janella, “Si Camila (Maja), actually, sobrang natuwa ako kasi when I first started doing the show, kinakabahan talaga ‘ko kasi lahat ng kasama ko, ma­gagaling talaga. But all throughout the entire show, talagang tinutulungan niya ‘ko. Naging ate talaga siya sa akin.

“Lagi niya akong pinapakain, that’s my favorite part. Sobrang natutuwa ako kasi lagi niya akong binibigyan ng advice and she really helps me get through this.”

Ka-partner ni Janella sa The Killer Bride si Joshua Garcia. Dahil parehong ga­ling sa successful love team — si Joshua kay Julia Barretto while si Janella kay Elmo Magalona — natanong ang dalawa kung nahirapan ba silang mag-adjust sa isa’t isa.

Si Joshua ang unang sumagot na hindi naman daw dahil… “Marami kasi kaming pagkakatulad sa isa’t isa. Kumbaga, ang da­mi naming favorites na pareho.

“Pareho kaming mahi­lig sa mga old music, pare­ho kaming introvert.”

At nang may nagbi­rong pa­reho silang loveless, sabi ni Joshua, “Nakatu­long din ‘yun para maging mas kompor­table kami sa isa’t isa.”

Nabanggit din ni Jo­shua na alam na alam na nila ni Janella kung papa­ano paii­ya­kin ang isa’t isa.

Dahil malapit nang mata­pos ang The Killer Bride, may mga bagay ding mami-miss si Joshua sa love interest niyang si Janella.

Aniya, “‘Yung mga usa­pan namin about life.”

Magiging busy na rin daw kasi sila sa mag­kai­bang proyekto kaya baka hindi na sila makapag-usap uli.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page