top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Madir na si Annabelle, bukod sa tutol sa BF niya… Ruffa, ayaw masumbatan ng mga anak kaya di na nagp

  • Vinia Vivar
  • Dec 16, 2019
  • 2 min read

Hindi na masyadong nagpo-post sa social media si Ruffa Gutierrez tungkol sa love life niya dahil unang-una, ayaw ng kanyang mother dear na si Annabelle Rama sa kanyang boyfriend. Feeling nga raw niya, kahit sino ay hindi magugustuhan ng kanyang ina for her.

“Parang wala naman siya talagang gusto,” pabulong pang sabi ni Ruffa para hindi marinig ng kanyang ina na naroroon din.

Nakatsikahan namin si Ruffa sa press­con na ipinatawag ni Cathy Valencia last Saturday to officially announce na isa na siya sa mga celebrity endorsers ng mga pro­dukto at services ng Cathy Valencia Skin Care and Aesthetic Clinic.

“So, parang just to keep the peace. . .” natatawa pang sey ni Ruffa.

“Saka okey na rin ‘yun. Because, you know, like I said, I don’t wanna share na­man and post weird things na ‘Hey, baby,’ mga ganu’n. Siyempre, may mga dalaga na akong anak.

“You have to set an example also to them, so I would like to lead by example in actions and not just in words. So, I’m very careful also of what I post or how I act online, kasi sometimes, puwede nilang sabihin sa ‘yo, ‘Eh, bakit ikaw?’ Kasi ‘yun ang nangyari sa isang friend ko. Lagi niyang pinapagalitan ‘yung anak niya. ‘Mommy, I just took after you, ba’t ikaw?’ So, ayokong marinig ‘yun,” dagdag pa ni Ruffy.

As we all know, ang boyfriend ni Ruffa ay ang French-Israeli na si Jordan Mouyal at mukhang sila pa rin naman, but hindi na nga lang niya ipinangangalan­dakan pa sa socmed.

Samantala, naging endorser si Ruffa ni Cathy Valencia dahil sa mga anak niyang sina Lorin and Venice. Panay daw ang pun­ta ng dalawang bagets sa clinic ni Cathy sa Alabang dahil sobrang rave na rave ng mga ito ang kanilang products and services.

Maging si Ruffa ay nagulat sa laki ng improvement ng skin ng kanyang dalawang anak na 15 and 16 pa lang kaya mga facial-facial lang ang ipinagagawa.

Wala nang kontrata si Ruffa sa dati ni­yang skin care and clinic endorsement kaya libreng-libre na siya na mag-switch.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page