Horoscope | Disyembre 16, 2019 (Lunes)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2019 (Lunes): Kumikilos ang iyong kapalaran para sa ikagaganda ng iyong buhay kahit nakakagawa ka ng pagkakamali. Ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo kung ano ang maganda sa paningin mo dahil dagdag-inspirasyon ang bawat magaganda sa buhay mo. Gayunman, huwag mo itong sundin dahil hindi para sa iyo ang pagsunod sa maganda sa paningin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-23-29-30-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumarating pa lang ang todong suwerte mo. Ibig sabihin, ang mga suwerteng napasasakamay mo ay mas maliit kung ikukumpara sa mga parating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-21-26-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Madaragdagan ang iyong yaman at ang puso mo ay mag-uumapaw sa galak at mas sasaya ka kapag pinasaya mo ang mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-26-31-37.
CANCER (June 21-July 22) - Buksan mo ang puso mo at lakasan mo ang iyong loob dahil ang kaligayahan ay hindi nagmumula sa isip kundi sa malayang damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-18-22-24-33-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maiiwasang mabawasan ang kaban ng iyong kayamanan. Gayunman, tinitiyak ng iyong kapalaran na ang mga mawawala sa iyo ay papalitan ng langit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-18-21-25-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang gusto mo. Isang pormula ito ng tagumpay na nagsasabing kapag ang tao ay positibo, makukuha niya ang kanyang gusto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-20-29-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Kung sakaling hindi mo gusto ang nagaganap, ito ay isang pagsasaayos ng iyong kapalaran para sa iyong ikabubuti. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-19-28-33-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag kalmado ang tao, siya ay nakapag-iisip ng mabuti at tama. Dagdag pa rito, papasok din sa isipan niya kung paano siya susuwertehin nang todo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-25-28-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang mas malaki, ‘yun ang para sa iyo kaya huwag kang maghangad ng maliit dahil mabibigo ka lang at masasaktan. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang masyadong agresibo kung paano ka susuwertehin dahil kusang magsisilapit sa iyo ang magagandang kapalaran na ikagugulat mo at ng mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-29-33-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang mga kaganapan, ang mga suwerte ay parang lumilipad sa itaas at pagkatapos ay darapo sa iyo. Dapat mong pasayahin ang mga hindi naging mapalad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-19-20-21-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi dumarapo ang mga suwerte sa malulungkot. Ang mga ito ay napupunta sa mga taong may magandang personalidad. Ipinaaalala sa iyo na ang suwerte ay masaya at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-20-24-33-39.




Comments