Dahilan kung bakit may naniniwala na Octubre ang pasko
- Sr. Socrates Magnus II
- Dec 16, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Kimberly ng Lady_Kimberly@face-book.com
Dear Señor, Kailan ba talaga ang Pasko? Sabi ng mga kaibigan ko, October daw ang Pasko, eh.
Naghihintay, Kimberly
Sa iyo Kimberly,
Iha, ang Pasko ay tuwing ika-25 ng Disyembre.
1. Ang Pasko ay kapistahan ng relihiyong Kristiyano kaya ang tao na hindi Kristiyano ay wala siyang Pasko. Dahil ang Pasko ay para sa mga Kristiyano, sila ang magsasabi kung kailan ang Pasko.
2. Ang December 25 ay itinalaga ng Inang Simbahan para sa celebration ng birthday ni Lord Jesus Christ. Ang ibig sabihin ng “celebration” ay pagdiriwang at ito ay hindi nagsasabing December 25 ang birthday ni Baby Jesus.
3. Narinig mo na ba na ang ilang mga kaibigan mo na ay nag-celebrate ng kanilang birthday nang hindi sa eksaktong araw ng kanilang kapanganakan? Ikaw, puwede ka ring mag-celebrate ng iyong ka-arawan kahit hindi sa petsa ng iyong birthday.
4. Sino naman ang hindi nagse-celebrate ng Christmas? Sino pa nga ba kundi ang mga taong hindi Kristiyano. Sinu-sino pa? Sino pa nga ba kundi ang mga kapos sa kaalaman sa kasaysayan ng Kristiyanismo.
Sila ang mga bagong grupo na akala ay mga Kristiyano sila. Dahil sila ay bago, hindi nila alam na noong wala pa ang kanilang grupo ay may Pasko na sa mundo.
Sila rin ang grupo nila ay bagong tayo lang, as in, wala talaga silang Pasko dahil hindi sila kabilang sa Inang Simbahan.
5. Sino naman ang naniniwala na October ang Christmas? Sino pa nga ba kundi ang mga gustong baguhin ang araw ng pagdiriwang ng Pasko. Pero ang totoo, hindi naman sa gusto nilang baguhin ang araw ng selebrasyon kundi hindi sila naniniwala sa mismong Christmas dahil wala talagang Pasko sa kanila. Kumbaga, ang mga kaibigan mo na nagsasabing October dapat ang Pasko ay hindi rin naman magpa-Pasko kahit ilipat ito sa October.
6. Malalaman mo kung ito ang totoo, bilang katuwaan, pero isa ring seryosong bagay, tanungin mo sila na kung sasali sila sa pagdiriwang kapag ginawang October ang Pasko. Sigurado na ang isasagot nila ay “no way” na magkakaroon sa kanila ng Pasko.
Dahil dito, huwag mo na silang intindihin para hindi mabawasan ang saya mo ngayong Kapaskuhan.
Have fun, enjoy and be merry this Christmas time!
(Itutuloy)



Comments