May free time na raw siya… Maine, umaming siya ang nag-invite sa pamilya ni Arjo para mag-dinner
- Vinia Vivar
- Dec 15, 2019
- 2 min read

Photo: @everythingarmaine
Impressed ang entertainment press kay Maine Mendoza sa presscon ng Mission Unstapabol: The Don Identity dahil sinagot niya ang mga tanong sa kanya about Alden Richards and current boyfriend na si Arjo Atayde.
Kung dati ay medyo aloof pa ang aktres kapag napag-uusapan ang personal life, nakakatuwang ngayon ay open na siyang pag-usapan ang relasyon nila ng Kapamilya actor.
Natanong siya kung ano ang wish niya for Alden ngayong Pasko. Sey niya, “Sana, lagi lang siyang masaya.”
When asked kung kailan ba mangyayari ang pinakaaabangan ng lahat na pagsasama nilang muli sa project, ayon kay Maine ay open naman siya, of course.
“Opo naman, open naman. Hintayin lang natin ang tamang panahon, ang tamang materyal,” she said.
But so far, talaga raw wala pang plano.
“Kasi marami rin po yatang naka-line-up sa kanya and sa akin din. So, siguro, separate ways muna, kasi chance rin ‘yun for us to grow, maraming makilala, maraming ma-experience.”
Napakaganda ng taong 2019 para sa kanya at isa raw ito sa pinaka-best years of her life. Isama na rin daw siyempre rito ang kanyang bonggang love life.
Gusto rin ni Maine na makasama sa isang project si Arjo lalo pa at may isinusulat na story ngayon ang aktor para sa kanilang dalawa.
Tungkol naman sa kontrobersiyal na dinner nila with Arjo’s family right after na manggaling siya sa Dubai, inamin ni Maine na siya ang nag-invite sa Atayde family to have dinner together.
“Napag-usapan lang po before, kasi, hindi na po nasundan nu’ng na-meet ko ‘yung parents sa bahay nila and nasakto pa ‘yung 2 movies, tapos nagse-segue ako, so parang sinabi ko lang kay Arjo na ‘Ito na, may free time na, so dinner na tayo,’” kuwento ni Maine.
Samantala, ikinalungkot ni Maine nang putaktihin ng mga bashers ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez matapos i-post ang larawan nila sa dinner at pinagbintangan pang in-edit lang ang larawan.
Sinabi rin ni Maine na wala na silang dapat itago kaya open na siyang pag-usapan ang relationship nila ni Arjo.





Comments