top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Disyem­bre 15, 2019 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 15, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 15, 2019 (Linggo): Nabubuhay ka sa saya! Iwasan mo ang anumang kalungkutan, gayundin, layuan mo ang mga malulungkutin nang sa gayun ay hindi ka iwanan ng mga suwerte mo sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit seryoso ka, maging mapagbiro ka. Sa pagbibiro, may saya kang makukuha at ang saya mo ay magagamit mo para magpatuloy ang iyong sigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-20-23-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon pa lang, magsuot ka na ng magagadang kasuotan nang sa gayun ay magdagsaan sa buhay mo ang naggagandahang mga kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-31-32-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagsisimula nang lumakas ang iyong mga suwerte. Huwag kang magugulat kung ang mga nakamamanghang bagay ay biglang mapasakamay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-13-19-20-23-25.

CANCER (June 21-July 22) - Samantalahin mo ang mga araw kung kailan ka nakadarama ng kakaibang saya at sigla. Makipagsapalaran ka at ang pananalo ay matitikman mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-29-31-38-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magpakababa ka nang sa gayun ay sa iyo mahuhulog ang mga biyayang kaloob ng langit. Sa pagiging mapagmataas, ang tao ay hindi makatatanggap ng mga grasya mula sa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-12-20-25-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka, kumilos ka nang may sigla nang sa gayun ay mas marami at malalaki ang mga suwerteng mapasasaiyo sa araw na ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-17-20-21-23-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaang masingitan ka ng init ng ulo at biglaang galit. Hindi ito makabubuti sa takbo ng iyong kapalaran kung saan nagdaratingan sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-20-21-27-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maging huwaran ka sa iyong kapwa at manatili kang positibo. Kapag ginawa mo ito, maraming maagang aginaldo sa iyo ang mapagpalang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-22-26-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makisakay ka sa takbo ng mga sitwasyon. Huwag kang sasalungat sa agos ng buhay. Sa ganitong paraan, hindi ka pagdaramutan ng magagandang kapalaran ng butihing langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-20-25-26-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumatatag at tumitibay ang magagandang kapalaran na mapasasaiyo. Sa huli, matutulad ito sa malagong puno na hitik na hitik sa matatamis na bunga. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-9-11-14-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magmadali ka nang hindi ka masingitan ng mga negatibong pananaw. Sa ganitong paraan, ang buhay mo ay magiging masaya at maraming tao rin ang mapasasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-26-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo na simulan ang mga gusto mong mangyari na hindi mo nagawa noon dahil nag-alinlangan ka at naduwag. Aayunan ka ng langit sa anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-23-25-33-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page