Duo nina James at Davis pinayuko ang dating team

Namahiya ang LeBron James at Anthony Davis duo kontra Miami Heat sa kanilang teritoryo para tapusin na ang 11 winning streak sa harap ng kanilang libu-libong fans.
Mistulang “heavyweight fight” ang nangyari sa pagdayo ng Lakers sa Miami dahil nanggaling din doon sa dating team si James. Matatandaan na noong taong 2012 at 2013 nang ibigay ni James sa Miami ang kampeonato at isa ring malaking hamon sa kanya ang paghaharap nilang muli ni Jimmy Butler.
Huling tumirada si Butler ng tres puntos na isang segundo na lang ang natitira pero inalat dahil tumalbog lamang sa rim. Inireklamo pa ng Miami na na-foul si Butler pero nawalang saysay ang paghain ng protesta. Ikinatuwa ng Lakers coach na si Frank Vogel nang matapatan ang tirada ni Butler.
Tumapos na may 33 puntos si Davis at muntik nang maka-triple double muli si James na may 28 puntos, 12 assists at nine rebounds. Sa kabuuan ay may 23 panalo ang Lakers na sinasabing best record na sa NBA katapat ang Milwaukee Bucks. Historical ang ibinigay na laro ng Lakers dahil ang ikalawang pinakamahabang winning streak ng prangkisa.
Sa Heat na mayroon nang 18 panalo ngayong season ay nanguna si Butler sa opensa na may 23 puntos, nakatulong sina Derrick Jones Jr. sa kanyang 17 at si Bam Adebayo ay nag-ambag ng 12 points at 12 rebounds.
Hindi nakaporma sa Lakers, pag-amin ni Filipino American head coach na si Erik Spoelstra sa huling quarter ang kanyang bataan pero sa mga unang bahagi ng laro ay sila naman ang abanse sa diskarte.
Makikita sa rebounds record ang kalamangan din ng Lakers 50-34. Sunod na makakalaban ng Lakers ang Atlanta sa Linggo. Haharapin ng Heat ang Dallas.





Comments