top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Akala nila, oks lang dahil nakakatuwa... Mga nausong challenges na delikado at dapat iwasan ng kabat

  • Jersey Sanchez
  • Dec 15, 2019
  • 2 min read

Maraming nag-trending na challenges at pumatok sa kabataan kaya marami ang kumasa rito kung saan ang iba ay nag-vlog pa para mapanood ng iba. Gayunman, hindi porke’t sumikat ay karapat-dapat na itong mauso ulit dahil hindi ito tulad ng damit na naibabalik sa uso. Anu-ano ang mga challenges na pumatok noong mga nakaraang taon na hindi na dapat maulit?

1. MOMO CHALLENGE. Tinatawag nila itong “suicide game” o kombinasyon ng “shut up and dance” at “blue whale”. Target nito ang mga bata kung saan hinihikayat silang mag-text sa isang number messaging application na WhatsApp, na magpapaliwanag ng instructions para sa kakaiba at delikadong tasks mula sa panonood ng horror movie hanggang sa sasaktan ang sarili na dahilan ng kanilang pagkamatay.

2. BIRD BOX CHALLENGE. Nakuha ito sa movie na 'Bird Box' kung saan naka-blind fold ang mga tao anuman ang kanilang gagawin. Sa pelikula ay seryoso itong ginagawa para maisalba ang kanilang buhay, pero sa totoong buhay, ginagawa lang itong katatawanan upang maranasang kumilos nang naka-blindfold tulad ng pagda-drive, habang kumakain o naglalakad. Gayunman, hindi na ito dapat maulit dahil maaaring malagay sa kapahamakan ang gagawa ng challenge na ito.

3. CINNAMON CHALLENGE. Sa challenge na ito, kailangang kainin ang isang kutsarita ng cinnamon sa loob ng isang minuto at hindi puwedeng uminom ng tubig. Para sa iba ay nakakatuwa ito, ngunit hindi nila alam kung gaano kadelikado ang epekto nito. Ayon sa mga eksperto, maaaring masunog ang kanilang lalamunan at mabarahan sa pagkain ng cinnamon.

4. SALT AND ICE CHALLENGE. Inilalagay nila ang asin at yelo sa kanilang balat at patatagalin ito hanggang sa makakaya nila. Kapag pinagsama ang asin at yelo, umaabot sa -18°C ang lamig at lumilikha ng nakamamatay na reaksiyon sa balat na maaaring magdulot ng ice burn at third degree burns sa ugat na hindi alam ng mga gumawa dahil ang nais lamang nila ay magawa ang challenge kahit hindi alam ang masamang epekto nito.

5. PLANKING. Ginagawa ito nang nakadapa sa loob ng 5 hanggang 10 segundo para magawa ang challenge. May mabuti at masamang epekto ito sa katawan. Makabubuti ito sa katawan bilang exercise, ngunit ang mga challenges na may thrill habang naka-planking ay makasasama, tulad na lamang ng pag-planking sa ibabaw ng bike rack.

Ayan ang mga nausong challenges na hindi na dapat maibalik dahil karamihan sa mga nabanggit ay nakasasama o maaaring magpahamak sa atin. Tandaan, sabi sa Roma 12:2, “Huwag makiayon sa takbo ng mundong ito,” na ibig sabihin ay ‘wag kang makikisabay sa uso.

Okay lang makisabay sa uso kung nasa tama ito at hindi ikapapahamak ng tao. Halimbawa nito ang paggawa ng blog na nagbibigay ng kaalaman at impormasyon sa mga tao. Okay ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page