‘Wag mo nang galingan, besh... Magulong pagkakabalot ng regalo, mas naa-appreciate ng pagbibigyan
- Jersey Sanchez
- Dec 15, 2019
- 2 min read

Marami sa ating mahilig mag-perfect ng pagbabalot ng mga regalo. ‘Yung tipong kapag hindi pantay ang pagkakabalot o may nalukot na bahagi ng giftwrapper, uulit-ulitin natin ito hanggang sa ma-perfect natin. Agree?
Gayunman, kung super-satisfied tayo kapag perfect ang pagkakabalot natin, alam n’yo ba na wa’ ‘wenta ito dahil mas naa-appreciate ng pagbibigyan ang regalo kapag medyo magulo ang pagkakabalot? Hmmm...
Ayon sa isang pag-aaral sa University of Nevada, ang maganda at almost-perfect na pagkakabalot ng regalo ay nagpapataas ng expectations kung ano ang laman nito habang kung medyo magulo o hindi perfect ang pagkakabalot ay nakatutulong ito upang mas ma-appreciate ng pagbibigyan. Paano?
Lumabas sa research na kapag maganda ang pagkakabalot ng regalo at ibinigay ito sa kaibigan, mataas ang expectations ng pinagbigyan kung ano ang laman nito na nagreresulta sa less appreciation.
Gayunman, kapag hindi pinaghandaan ang pagbabalot ay hindi nagse-set ng expectations ang pinagbibigyan kaya kapag nabuksan na ito ay mas nagugustuhan nila ang natanggap na regalo.
Napatunayan ito nang ginawa ang research sa isang grupo ng Miami Heat fans. May ilang kalahok na nakatanggap ng mug na may team logo habang ang iba naman ay nakakuha ng mug na may Orlando Magic logo.
At kahit hindi maganda ang pagkakabalot ng Orlando Magic mug, may magagandang feedback pa rin ang Miami Heat fans kahit logo ng kalaban ng paborito nilang team ang disenyo ng natanggap nilang regalo.
Samantala, ang pag-aaral ay na-publish sa Journal of Consumer Psychology kung saan napag-alaman din na ang ‘bitter feelings’ sa mga regalo na magandang naibalot ay mas malala kapag galing ito sa kanilang mahal sa buhay kumpara sa kakilala lang.
Oh, alam na, mga besh! Kaya ‘wag nang masyadong mag-effort kung hindi naman maa-appreciate. Char!
Kidding aside, sa pagbibigay ng regalo, isaalang-alang natin ang magiging feedback ng ating pagbibigyan. Gets mo?





Comments