Dahil swak ang birthday... Crush na klasmeyt, magiging BF na, mapapangasawa pa
- Maestro Honorio Ong
- Dec 14, 2019
- 2 min read
Dear Maestro, May kaklase ako na palagi kong nakakasabay sa pagpasok at pag-uwi. Minsan, nagkukuwentuhan kami at nagka-crush ako sa kanya, pero hindi pa naman niya ako nililigawan. Naikuwento rin niya na wala siyang girlfriend. Sa edad kong 19 sa darating na January 13, hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Itatanong ko kung compatible ba kami at siya na kaya ang magiging first boyfriend ko? September 7, 2001 ang birthday niya.
Umaasa, Julie Anne ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Julie Anne, Ayon sa birthday mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) sa destiny number na 8 (1+13+2001=2015/ 20+15=35/ 3+5=8) sa zodiac sign na Capricorn ay naghahayag na sadyang ka-compatible mo ang crush mo na may birth date na 7 sa destiny number na nagkataong 1 (9+7 +2001=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1) at sa zodiac sign na Virgo. Magkahalong strong at weak number ang kapwa n'yo numero ng crush mo na 7 at 1 habang ikaw naman ay 4 at 8.
Sa zodiac sign at Astrology, magka-compatible kayo sapagkat ang Capricorn at Virgo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong earth o lupa.
Ganundin sa Numerology kung saan ang birth date mong 4 na may ruling planet na Sun ay tugma rin sa birth date niyang 7 na may ruling planet na Moon. Dagdag pa rito, nagkataon na ang destiny number mong 8 at destiny number niyang 1, bagama’t, parehong strong ay tugma rin dahil nanyu-neutralize ito ng kapwa n’yo weak birth date na 4 at 7.
Ibig sabihin, habang lumilipas ang panahon at nananatili kayong magkaklase at magkaibigan, darating ang sandali na magkakahulugan din kayo ng loob hanggang sa sumapit ang 2020, bago sumapit ang edad mong 20, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre sa ganitong panahon din habang papalapit ang Pasko, mabubuo ang matimyas at maligayang relasyon na hahantong sa panghabambuhay na pagmamahalan.




Comments