top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bossing Vic, ninong… Maine, umaming napag-uusapan na nila ni Arjo ang kasal

  • Janice DS Navida
  • Dec 14, 2019
  • 2 min read

Photo: @mei9473

Bihira naming makausap si Maine Mendoza at parang tuwing may MMFF entry nga lang siya taun-taon.

Pero, nakakatuwa na nang makausap namin siya kagabi sa presscon ng Metro Manila Filmfest entry nila ni Bossing Vic Sotto, ang Mission Unstapabol: The Don Identity, mas open na ngayon sa interview ang Dubsmash Queen. Mas madali na rin siyang lapitan ngayon at wala na ‘yung mga bodyguards na mas OA pa kung umasta kesa sa kan­­ya na feeling yata, eh, isasakay ng press si Maine sa puting van. Chos!

Tinanong namin si Maine kung ano’ng feeling na mukhang lucky charm siya ni Bossing Vic kaya for three consecutive years ay join siya sa MMFF movie nito.

Nagpasalamat si Maine sama­laking tiwala sa kanya ni Bossing kaya aniya, kahit may ibang film outfits ang mag-offer sa kanya­na gumawa ng movie sa MMFF sa mga susunod na taon, mas priority pa rin niya si Vic. Although sa ibang pagkakataon, basta ‘di kasabay ng movie ni Bossing ay open din naman si Maine na ma­kagawa ng project.

Hiningi rin namin ang re­aksiyon ni Maine kaugnay sa clamor pa rin ng ilang fans na magsama silang muli ni Alden Richards sa movie o serye sa TV.

Sagot ni Menggay, gusto pa rin naman niyang makatrabaho uli ang dating ka-love team dahil alam niyang marami pa ring AlDub fans. But for now daw ay pareho muna nilang ini-enjoy ni Alden na naipa-pareha sila sa iba at mas okay na rin daw ang ganitong setup nila na friends sila pero kani-kanya muna para walang pressure ng fans na ‘di pa rin matanggap na hanggang pang-screen lang ang mga pakilig nila.

Masaya rin si Maine na kung nu’ng una, ang daming namba-bash sa relasyin nila ni Arjo Atayde, ngayon ay marami ang pabor at happy para sa kanila. Kaya naman, very open na ngayon ang dalawa sa kanilang display of affection even sa public places.

Natanong nga namin si Maine kung ano’ng level na ng relasyon nila ni Arjo at pabi­rong sabi nito, sa scale of 0-10 ay 14!

Oh, eh di siya na ang inlab na inlab! Chos!

Eh, teka, isinundot na rin namin ang tanong kung si Arjo na ba talaga ang gusto niyang mapangasawa at sagot niya, “Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras sa mga taong hindi natin gustong makasama.”

Woooooow, ang sweet!

So, napag-uusapan na ba nila ang kanilang future at pagpapa­kasal?

“Nag-uusapnarin kami about the future kasitumatandanarinako. Siya, he just turned 29,” diretsongpag-aminni Maine.

Ang marrying age raw talaganiya ay 25, so next year nadapat. Perodahilsunud-sunodnaikakasal every year angdalawaniyang ate at isangkuya, give way munasiya at 28 yrs. old na raw ang marrying age niya.

Hindi pa namandawnaiinipsiArjona very patient at supportive BF kaya tama langnangayon ay priority munanilaangkani-kanilang career.

Kung magpapakasalbasilaniArjo, ninongsi Bossing Vic natatay-tatayannani Maine?

“Kahitsinonaman pong makatuluyanko, hindipuwedenghindimakasamasi Bossing samganinong,” sabi pa ng Dubsmash Queen.

O, ‘yunna! Sealed na ‘yan!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page