Role sa serye, sablay… Juday, 'di kinagat bilang kontrabida

Kahit hindi pa pormal na nag-uumpisa ang pagpapalabas ng mga pelikulang kasali sa MMFF 2019, marami na ang nagsasabing malakas ang laban ni Judy Ann Santos bilang Best Actress via her movie Mindanao.
Although magagaling din naman ang kanyang mga kalaban tulad nila Iza Calzado (Culion), Jennylyn Mercado (3Pol Trobol: Huli ka Balbon), atbp..
Una nang naging Best Actress si Juday sa Cairo Film Festival kaya tumatak ang pelikula niyang Mindanao. Pero, ang wish naman ng mga fans ni Juday, ganoon din ng producer ng movie niya na hindi lang sana recognition ang mahakot ng Mindanao.
Gusto rin nilang kumita sa takilya ang movie.
Samantala, may apela naman ang mga solid die-hard fans ni Judy Ann Santos sa pamunuan ng ABS-CBN. Hindi kasi sila sanay na mapanood ang kanilang idolo na gumaganap na medyo ‘bad girl’ o kontrabida tulad ng ginagampanan niya ngayon sa Starla.
Ayaw nila ng salbaheng Judy Ann. Nasanay silang si Juday ang inaapi-api sa kanyang mga seryeng ginawa dati.
Bakit ngayon, ginawa si Juday na kontrabida? Kahit na raw sabihin pa na si Judy Ann mismo ang humiling na bigyan siya ng kakaiba at challenging role, still, mas gusto siya na martir at mabait.





Comments