Kaya raw kinuha sa MMFF movie… Coco, ipinagsigawang ginamit lang para pagkakitaan sina Ai-Ai at Jenn
- Julie Bonifacio
- Dec 13, 2019
- 4 min read

Nagbigay ng reaksiyon si Coco Martin kahapon sa presscon ng 3Pol Trobol: Huli Ka, Balbon sa sinabi ni Vice Ganda na pumayag siyang maging ‘first runner-up’ every time magkakabangga ang mga pelikula nila sa Metro Manila Film Festival.
“Wala kasi akong isyu doon sa ano, eh, sino ang number one, sino ang number two.
“Ngayon, excited ako kapag alam mong maganda ang produkto mo. Excited kang i-announce sa mga tao. At, confident ka, ‘di ba?” pahayag ni Coco. Okey lang kay Coco kahit ano’ng number daw ang kasadlakan sa takilya ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon on December 25.
“Basta ang importante, alam ko na pagkatapos nitong Metro Manila Film Fest, alam kong proud ako sa ginawa ko, lalung-lalo na ako ang nagdirek saka nagsulat, tapos, ako ang nag-produce. At alam ko na hindi ako napahiya sa mga co-actors ko kasi artista rin ako, eh. Alam ko ‘pag pangit ang pelikulang ginawa ko, eh, parang ang lungkot after.
And then, hindi ka na nila ulit gustong makatrabaho. Eh, ito, proud ako kaya confident ako,” diin pa ni Coco. Feeling din daw ni Coco ay may obligasyon siya sa mga taong naghihintay ng movie nila.
“Opo, kasi ginagawa naman namin ‘to para sa mga tao, eh. “Sisiguraduhin natin na lalabas sila ng sinehan na masaya at sulit ‘yung ibinayad nila. Kasi, sa hirap ng pinagdaraanan natin ngayon, minsan, ang mga Pilipino, isang beses na lang manood ng pelikula sa isang taon dahil sa mahal. Magko-commute ka, kakain kayo, magbabayad ka, ‘di ba? “Napakasuwerte na maisama mo ang pamilya mo para makapanood. Pero dapat, ngayong Pasko, nakagawian na natin ‘yun, kaya sulitin na natin ang ibabayad nila. ‘Yun po.”
Kaya wala rin siyang nararamdamang pressure sa sinasabing kompetisyon sa takilya ng mga kasali sa MMFF.
“Kasi, siyempre ako ‘yung unang nakakakita ng materyal. Honestly, sobrang excited na excited ako. Kasi, every time na gumagawa ako ng project, ng pelikula, ayoko kasi na nadi-disappoint ‘yung tao, ‘yung parang lolokohin mo sila sa promo, ‘di ba? Tapos, hindi ka proud after. Doon ako mas ninenerbiyos,” sabi ni Coco.
Patuloy pa niya, “Ako, honestly, sabi ko nga, wala kaming ka-co-prod (production) ng Star Cinema or Viva, or malalaking film outfit. Proud ako kasi ang hinihintay ko, ‘yung after mapanood ng mga tao. Kasi, kumpiyansa kami sa proyekto, eh, sa materyal namin. Kasi, alam namin na ‘yung ginagawa naming pelikula, ang iniisip namin, ‘yung mga manonood.
“Hindi para makipag-compete sa kahit kaninong pelikula. Honestly po, masaya and proud kami na halos lahat ng kalahok sa MMFF ay magaganda. Kumbaga, parang ang inihahandog natin ngayon sa mga tao ay magandang pelikula. At, alam naman po namin sa sarili namin na isa kami roon kaya sobra po kaming proud at hindi po kami nape-pressure para sa Metro Manila Film Fest.”
About naman sa pagkuha nila kay Ai Ai delas Alas, sabi ni Coco, “Ako, honestly, ‘yung title ni Mama Ai, ‘yung as a Comedy Queen, ‘yun ang dahilan kung bakit ko naisip ‘yung proyekto. Kasi nu’ng una, ang iniisip ko, ‘Sino ‘yung hindi ko pa nakakatrabaho?’ Kasi ako, mahilig ako sa combination, eh. ‘Yung parang kapag pinanood ng mga tao, ‘Uy, talaga? Mapapanood namin sila?’
“Kasi, katulad niyan, magkaibang network kami, from ABS to GMA, siyempre, iniisip ko, kung manonood sila, ‘yung hindi pa nila nakikita o napapanood. Kaya noon talaga, in-approach ko si Mommy Ai. Sabi ko, ako talaga ‘yung parang nag-request sa kanya, nagbigay ng kuwento na parang may naisip akong konsepto tungkol sa isang mag-nanay.
“And then after that, siyempre, iba kapag nakasama mo ang princess ng GMA, ‘di ba? At isa sa pinakamaganda at pinakamagaling na artista. Kaya nu’ng nilapitan ko si Jen (Jennylyn Mercado), kasi nakatrabaho ko na siya, eh, kumbaga, alam ko ‘yung taong lalapitan ko.
“Saka, sabi ko, aminin na natin, siyempre, in terms of business, kailangan ko sila. Kaya ako talaga ‘yung lumapit sa kanila para humingi ng tulong para mabuo ang pelikulang ‘to.
“Tapos, talagang inaral namin ang bawat character kung sino ‘yung mga ilalagay namin dito. Kaya mapapansin ninyo, sabi ko nga, sobra kong tinatanaw na utang na loob na pumayag si Sam (Milby) na makasama sa pelikulang ‘to. Kasi, Sam Milby ‘yan. Honestly, nagdadalawang-isip ako, eh, ‘Papayag kaya si Sam na this time, siya ‘yung kalaban namin?’ ‘Di ba? Siya ‘yung magkokontrabida?”
Kaya na-surprise naman daw siya nang pumayag si Sam at tinanggap ang role to think na ang guwapo nito para magkontrabida. “Tapos, si Tito Joey (Marquez), si Tita Carmi (Martin), ‘yung iba ring kasama ko, libre po ‘yan. Hahaha!” birong sabi ni Coco.
Dagdag pa niya, “Pero mapapansin ninyo, lahat po ng mga pelikula ko, basta pakainin ko lang sila, okey na ‘yan. Sina Mommy Ai at Jen, talagang nu’ng kinuha ko sila, alam ko, sila ang kailangan ko para makagawa ng magandang pelikula. And then after that, doon namin binuo, ‘Ano’ng konseptong mabubuo namin kapag pinagsama-sama po kami?’ Doon po nag-start ‘yung pelikula.”
Bukod sa pagsasama-sama sa unang pagkakataon ng mga MMFF Box Office stars na sina Ai Ai, Jennylyn at Coco, kasama rin for the first time sa 3Pol Trobol sina Joey, Carmi, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo, Mark Lapid, Bianca Manalo, PJ Endrinal, Super Tekla, Boobsie Wonderland, Marc Solis, Lester Llansang, Donna Cariaga, Bernard Palanca at marami pang iba.





Comments