top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Disyem­bre 13, 2019 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Dec 13, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 13, 2019 (Biyernes): Paangat ka nang paangat hanggang sa mapunta sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga karibal. Ito mis­mo ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag kang mag­patangay sa masasa­yang kaganapan na nakali­li­­mu­tan ng tao na sa ibang araw ay nangangailangan pa siya. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-7-18-29-30-34-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sarili. Magi­ging abala ka para sa mga malalapit sa puso mo. Hu­wag mong pabayaan ang sarili mo at huwag kang mas­yadong magpagod. Ito ang mensahe ng iyong ka­pala­ran. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-19-20-26-39-41-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Sa ba­wat gagawin mo, sabayan mo ito ng pagmamatyag, hindi dahil may kaaway ka kundi dahil para makita mo ang magagandang oportu­nidad na puwede mong sung­gaban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa totto-19-20-24-39-35-44.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo maa­awat ang mga taong handa kang bigyan ng masarap na buhay na sa iyo ay luma­la­pit. Ang magagawa mo lang ay pasalamatan sila. Ito ang mensahe ng iyong ka­pala­ran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-20-24-25-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, mag-utos ka at masusunod ka. Maging mauna­wain ka, lalo na ngayon na may iba kang pinagkaka­aba­lahan. Susundin ka rin nila, kaso hindi kasimbilis ng gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-25-27-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aapaw ang pa­lad mo sa mga biyayang ma­pa­sasaiyo dahil dumating na muli ang araw kung ka­ilan ka mapabibilang sa mga mapapalad. Ito ang men­sa­he ng iyong kapa­la­ran. Ma­suwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-16-17-27-30-33-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sabay-sabay na magbabali­kan sa iyo ang mga lumayo. Sabay-sabay kang maaalala ng mga na­kalimutan mo na, gayundin, sabay-sabay ka nilang pasa­sayahin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-13-17-22-34-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Didikit sa iyo ang ayaw mong makasama, pero maiiba ito dahil hindi mo na siya kayang itapon at ka­yong dalawa ay magsasalo sa ma­sasayang mga araw. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-20-25-34-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito at ilang mga araw pang darating kung saan kahit ang mga sim­pleng paghiling mo sa langit ay tiyak na mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-18-21-24-26-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabubu­not ang panga­lan mo ng ang­hel na inatasan na piliin ang mga karapat-dapat pagka­loo­ban ng mga suwerte. Ito ang magiging kaganapan sa langit. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-7-10-21-28-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Patuloy ang mga bigla­ang pagdating ng iyong mga suwerte. Hin­di ka gaanong nasosor­pre­sa dahil madalas mong ma­ranasan ang ganitong ma­suwerteng pangyayari. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-25-32-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak ng iba, pero biglang umikot ang iyong Gulong ng Kapalaran na nakapagtatakang sa mga kamay mo nalipat ang mga suwerte mo na sa totoo lang ay marami ang nagha­hangad. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-25-33-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page