Gawin mo na, besh... Tips para matupad ang wish ‘pag humiling sa Geminids Meteor Shower
- Sr. Socrates Magnus II
- Dec 13, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa darating na shower of meteor na Geminids Meteor Shower.
Taun-taon, ang Geminids meteor shower ay nagaganap tuwing Pasko kung saan taun-taong ipinagdiriwang ang pagdating ni Lord Jesus Christ.
Tuwing Pasko, ang tao ay hindi makaiwas na humiling ng mga bagay na magpapasaya sa kanya kaya ang Kapaskuhan ay time to make a wish.
Buong mundo ay ganito ang pakiramdam ng mga tao. Ang tanong, ang wishes ba nila ay magkakatotoo? Ito na ang kasagutan at ito ay nasa mismong Geminids meteor shower.
Kailan gagawin ang pagwi-wish? Aabangan mo ang paglitaw ng bulalakaw at sasabihin mo ang iyong kahilingan. Kaya lang, kailangang masabi mo ang wish mo bago mawala ang bulalakaw. Ito ang medyo mahirap kaya ang payo, ngayon pa lang praktisin mo na ang pagsasabi ng wish mo para kapag dumating ang oras na may nakita kang bulalakaw ay masabi mo ito agad habang may bulalakaw.
Puwede ba na mahigit sa isa ang wish? Puwedeng-puwede, ang mahalaga ay masabi mo ito bago mawala ang bulalakaw at kung sakaling may isang wish ka na hindi nasabi, maghintay ka pa ng isang bulalakaw saka mo sabihin ang kahilingan na ito.
May isa pang kundisyon na kinakailangan nang sa gayun ay siguradong hindi ka mabibigo at ito ay dapat ikaw ay nasa oras ng iyong paghiling. Madalas, basta na lang humihiling ‘yung iba kaya madalas ay bigo sila.
Paano magiging masaya, lalo na kung may lungkot ka na iniinda sa araw na maghihintay ka ng bulalakaw?
Kumain ka ng mga sweets dahil ang tamis o sugar ay nakapagpapasigla. Maganda rin na mag-shower dahil masaya ang pakiramdam kapag bagong paligo.
Maganda rin na may ehersisyo dahil ito ay nagpapasigla. Ang pakikinig sa masasayang musika ay nakahahawa kaya ikaw din ay sasaya.
Ang totoo, gusto ni Lord ay masaya ang lahat ng tao, lalo na sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan, ito ang tunay na dahilan kung bakit ang greetings kapag Pasko ay “Merry Christmas”.
Taun-taon, tulad ng nasabi na sa unahan, nagaganap ang Geminids meteor shower kung saan ang salitang ‘geminid’ ay mula sa salitang Gemini na isa sa mga zodiac sign.
Ang ruling planet ng Gemini ay Mercury na ang salitang merry ay mula sa planetang Mercury. Ang planetang Mercury naman ay ang planetang walang tigil sa pagkislap kaya ang saya na merry na iba sa saya na sunny ay tulad ng kay Mercury.
Samantala, ang saya sa sunny ay mula sa Sun. Ngayong Pasko, dapat ay merry ang lahat ng tao kaya taun-taong ibinibigay ni Lord ang Geminids meteor shower upang maging masaya ang Pasko ng bawat isa.
Dahil dito, kahit medyo maaga pa, Merry Christmas sa lahat, lalo na sa mga magwi-wish upon a star.
Good luck and God bless!




Comments