top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Yassi, knows mo na ba 'yan? Coco, nagsalita na sa pagpasok ni Julia sa serye niya

  • Beth Gelena
  • Dec 12, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Viral sa socmed ang interbyu kay Coco Martin kung saan natanong ang aktor kung may posibilidad ba na makapasok sa Ang Probinsyano ang napapabalitang karelasyon niyang si Julia Montes.

Ani Coco, may malaking plano sila sa serye, magdaragdag sila ng ibang cast sa susunod na taon.

Sa tanong ng reporter na si MJ Felipe ng ABS-CBN tungkol kay Julia, ang sagot ni Coco, “Siguro, may tamang pagkakataon.

“Actually, lahat naman ng mga ar­tista na puwedeng makatulong sa show, siyempre, kami naman ‘yung lumalapit sa kanila,” dagdag pa ni Coco.

Hayan, mga ka-Probinsyano, kayo na lang ang humusga kung ipapasok nga ba si Julia sa serye ni Coco pagdating ng panahon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page