top of page
Pokwang.jpg

Huwag puro sa iba, besh... Mga regalo na puwedeng ibigay sa sarili

Justine Daguno
Dec 12, 2019
2 min read

Hindi man tayo si Santa Claus, tila tradisyon na ng ka­ramihan ang mag­bigay ng regalo tu­wing sumasapit ang Pasko. Panigurado, marami sa atin ang nakahanda na ang listahan para sa dyo­wa, pamilya, ina­anak, mga kai­bigan at iba pa. Pero siyempre, huwag ka­limutan ang sa­-rili dahil naging nice ka man o medyo naughty ngayong taon, deserve mo pa ring makatanggap ng regalo mula sa pinakaimportan­teng tao — ang sarili mo.

Anu-ano nga ba ang mga perfect gifts na pu­wede mong ibigay sa iyong sarili?

1. PABORITONG PAGKAIN. Isantabi mu-na natin ang diyeta nga-yong Holiday Season dahil ‘ika nga, minsan lang ito sa buong taon.

Kung matagal ka nang nagke-crave sa putok-ba­tok na lechon, pasta, cho­colate cake o kung may pagkain ka na trip kainin, pero pilit mong iniiwasan dahil sa ilang kadahilanan, oks lang kung balato mo na sa sarili mo ang kahit isang #cheatday.

2. GOOD NIGHT’S SLEEP. Hindi kalabisan na bigyan ang sarili ng pag­kakataon para makapag­pahinga. Bumawi ka sa mga tulog na ipinagpali­ban mo para gawin ang mga responsibilidad sa buhay.

Hindi ito toleration o excuse ng katamaran kundi pagkakataon para maka­pag-recharge mula sa na­kaka-shutdown na ga­wain araw-araw.

3. BAGAY NA MA­TAGAL MO NANG GUSTO. Bagong gadget man ‘yan o dream vaca­tion, go lang! Deserve ng bawat isa na makuha ang kanilang gusto, lalo na kapag matagal nila itong hinintay at pinag-ipunan.

Huwag tayong mang­hi­­nayang na gumastos para sa ating happiness dahil gaanuman ito kalaki, pa­lagi itong worth it.

4. QUALITY TIME KASAMA ANG MGA MAHAL SA BUHAY. Make sure na may target date ka ngayong Holiday Season para sa dyowa mo, pamilya at mga kaibigan.

Bumawi tayo sa mga panahong dinedma natin sila dahil career ang ating inuna. Huwag nating hin­taying matapos ang taon nang hindi man lang natin sila naka-bonding. Ka­sabay ng paglipas ng pa­nahon ang ating pagtanda kaya hu­wag ta­yong mag­sa­yang ng oras, ‘ika nga nila, “Spend your time wisely, spend it with loved ones.”

5. PEACE OF MIND. Salu­bu­ngin natin ang Ba­gong Taon nang payapa ang isip at puso dahil isa ito sa mga pinakama­ha­lagang regalo na pu­wede mong ibi­gay sa iyong sarili.

Kung meron ka mang nakasamaan ng loob nga­yong taon o sa loob ng ma­­habang pana­hon, si­guro, it’s time para big­yan ito ng closure.

Patawarin natin ang mga taong nakasakit sa atin at humingi rin tayo ng tawad sa mga taong nasak­tan natin. Isa ito sa mga nais iparating ng Pasko, ‘di ba?

Ngayong Christmas Season, huwag nating ka­limutang bigyan ng ‘re­galo’ ang ating sarili.

Tan­daan, na hindi pala­ging tungkol sa mga ma­teryal na ba­gay ang regalo, ma­dalas, appreciation o qua­lity time lamang ay daig na nito ang pinaka-ex­pen­sive na gamit na ma­ki­kita mo sa mall. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page