top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ibinulgar ng gay TV host… Coco, 'di hapi na napunta sa Showtime si Vice

  • Julie Bonifacio
  • Dec 11, 2019
  • 3 min read

Ibinulgar ni Vice Ganda ang naging pag-uusap nila ng long-time friend niyang si Coco Martin sa grand mediacon ng The Mall, The Merrier ng Star Cinema na showing na sa December 25.

Nagkumustahan daw muna sila ni Coco ng personal nilang buhay and then, tungkol sa kanilang career, especially sa respective film entry nila ni Coco sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Sabi ko sa kanya, okey naman ang pe­li­kula namin. Tapos sabi niya, ‘Alagaan mo ‘tong film­fest.’ Kasi, parang, ‘Sa ‘yo na ‘to, eh,’ sabi ni­ya. ‘Gusto ko, laging maganda ‘yung pe­li­kulang inilalabas mo.’ Tapos, sabi niya, ‘Ako, okey na akong sumusunod lang sa ‘yo, first runner-up mo ko lagi.’ Sabi kong ganu’n, ‘Uy, hindi na­man. Pero okey din na first runner-up ka.’ Hahaha!”

Sinundan pa raw ni Coco ang sinabi kay Vice na siguraduhin ng gay comedian na ma­ganda ang movie nila ni Anne Curtis na The Mall, The Merrier.

“Tapos, sabi niya, ‘Hindi ka ba nanga­nga­rag?’ Sabi ko, ‘Okey lang naman. Kasi ang gaan ng shooting namin.’ Sabi ko sa kan­ya, ‘Ikaw nga ang gusto kong kumus­tahin. Humihinga ka pa ba? Kasi, ikaw ang nag­didirek ng Ang Probinsyano, ikaw din ang nagdidirek ng pelikula mo. Tapos, ikaw din ang producer, ikaw ang artista. Ikaw na ang lahat. Tapos, ikaw din ang manonood. ‘Di ba, ikaw din sa catering?” pabirong sabi ni Vice patungkol kay Coco.

Dagdag niya, “Tapos, nagwo-worry ako sa ‘yo lagi. Baka kung ano ang mangyari sa ‘yo. At least ako, paki­­a­lamera lang ako sa pelikula ko. Meron akong sariling direktor pero pakialamera lang ako. Eh, siya? Lahat!

“Kaya ang saya lang ng lahat. Hindi nawawala ‘yung love and concern namin sa isa’t isa.”

Pag-alala pa ni Vice nu’ng nagkaroon ng teleserye si Coco sa ABS-CBN, siya ang unang tinawagan ng aktor.

“Tinawagan niya ako at nag-usap kami. Tapos sabi niya, ‘Magkakateleserye ako.’ Tapos sinabi ko sa kanya, ‘Alagaan mo ‘yan kasi inaantay natin ‘yan.’ Tapos nu’ng nagkaroon ako ng Showtime, siya rin ‘yung una kong ti­nawagan. Tapos, sinabi ko, magkaka-Showtime ako. Tapos, nu’ng nasa Showtime na ako, hindi siya happy. ‘Ayoko ng ganyan, gusto ko, talk show.’ Tapos sabi pa niya, ‘Ipagdarasal ko na ikaw ang pumalit sa The Buzz.’

“Sabi ko, ‘Bakit sa The Buzz? Bakit naman ako aalis (sa Showtime)?’ ‘Gusto ko sa talk show ka. Pang-talk show ka,’ sabi niyang ganu’n. Tapos, nagkatotoo. Nagkaroon ako ng Gandang Gabi Vice kaya masaya talaga kaming dalawa sa lahat ng ginagawa namin.”

Inamin din ni Vice ang naging tampuhan nila noon ni Coco.

“Oo, nagkatampuhan kami, pero hindi right away. Nagkatampuhan kami nu’ng ano, nu’ng gagawa kami ng pelikula para sa susunod na filmfest. Pero, very minimal. Actually, ‘yung tampuhan na hindi kami… Paano ba ‘yun? Na hindi kami nag-usap. Nagtampo ako sa kanya. ‘Yung tampo na sinasabi ko lang sa mga common friends namin. ‘Yung ipinaparating namin sa ibang tao ‘yung tam­po namin, tapos ‘pag magkikita kami, wala. Kaya ‘yung mga kaibigan namin, ‘Alam ninyo, siraulo ‘tong dalawa. Nu’ng nagkita naman sila, okey naman sila. Pero ang dami nilang tsika sa aming dalawa.’ Kani-kanya kaming sumbungan. Sobra kaming ano, ganu’n na ang relationship namin ni Coco,” lahad pa ni Vice.

Anyway, kasama rin sa The Mall, The Merrier sina Dimples Romana, Tony Labrusca, Jameson Blake, Elisse Joson, Ion Perez, Ate Girl Jackie Gonzaga, Lassy Marquez, MC Callaquian, Brendamage, Petite, Chad Kinis, Miel Espinosa, Carlo Gigil, Marjo: The “You Do Note” Girl, and plus 50 more artists sa direksiyon ni Barry Gonzalez.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page