top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Disyem­bre 10, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 10, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 10, 2019 (Martes): Huwag kang aatras sa mga hamon ng iyong kapala­ran. Ang pananalo ay ginaga­rantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang sa lahat ng pakikibaka mo sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagpapatuloy ang pagganda ng iyong ka­bu­hayan. Huwag kang mag­babago, pamalagiin mong buo ang loob mo at ang pag-aalinlangan ay iyong iwasan sa lahat ng oras. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-20-24-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang pagdating ng tapang mo kaya mabibigla ang mga nasa paligid mo at ang isa pang makadilat-mata ay malalaking suwerte ang ma­pupunta sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-3-16-20-21-24-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kontrolin mo ang pagi­ging agresibo mo dahil may mahahala­gang bagay na maaaring hin­di mo makita sa pagiging pursigido mo sa mga gus­tung-gusto mong gawin. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-20-24-26-32.

CANCER (June 21-July 22) - Magagawa mo ang iyong mga hindi nagawa noon. Magkakaroon ka ng sapat na lakas ng loob na talunin ang sarili mong mga kahinaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-29-30-31-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di ka hihiwa­layan ng mga suwerte. Sa pa­kikipagsapalaran, ikaw ay bubuwenasin. Sa pagpapa­tupad ng iyong mga plano, ikaw ay aani ng paghanga at pagkilala. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-18-22-26-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang ta­mang pana­hon para simulan mo na ang pangako sa iyong sarili na hindi mo na titigi­lan ang pagpapaganda ng iyong buhay. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-23-25-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bukod sa gu­maganda ang takbo ng iyong buhay, nag-aabang din ang mga suwerte sa landas na iyong tinatahak kaya wa­lang da­hilan para huminto ka sa pag­buo ng mga pa­ngarap. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-2-18-20-23-39-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakaala­lay sa iyo ang mga nasa pali­gid mo, pero higit sa lahat, ang umaalalay sa iyo ay ang langit mismo. Mabibigo ka kaya sa ganitong sitwas­yon? Ikaw na ang sumagot sa tanong na ito. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-13-17-24-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kusang naglalaho ang mga hadlang sa landas ng iyong buhay na nilalakaran mo. Kumbaga, pa­parating ka palang, wala na ang mga bagay na iyong kinatatakutan at inaaya­wan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-20-21-25.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo na ang gus­to mong ga­win. Walang pagdududa na ma­gagawa mo ito nang ma­ayos at mabilis. Ngayon ang tamang panahon para ma­kabawi ka. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-23-30-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang panghi­naan ng loob dahil nasa isip lang ang ta­kot. Kapag ikaw ay ku­milos nang kumilos, ang mga ba­gay na noon mo pa pinapa­ngarap ay mapa­sasakamay mong lahat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-17-21-26-28-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Samantalahin mo ang kaka­ibang sig­lang nadarama mo. Huwag kang mabahala dahil ang mga akala mong imposible ay tiyak na magagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-30-31-36-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page